^

PSN Opinyon

Sayang si Leni

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man nag-iinit sa kanyang kinauupuan bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Drugs (ICAD) si Vice President Leni Robredo, sinipa na agad sa puwesto ni Pres. Digong Duterte. Kung maalaala n’yo, hinamon ni Digong si Leni na bibigyan niya ito ng anim na buwan para sugpuin ang droga.

Hindi sukat akalain ng mga taga-administrasyon na kinagat ni Leni ang hamon ni Digong. Iba’t ibang reaksiyon ang lumabas, may nagsabing pain lang ito ng administrasyon kay Leni. Pero meron din nagkagusto sa desisyong iyon tulad ng simbahan at human rights dahil ayon sa kanila maiiwasan na ang patayan sa bansa.

Pero isang iglap lang binawi agad ang posisyong iniatang sa kanya. Siguro nakita nila na nagpapakitang-gilas agad si Leni. Napikon si Digong sa mga pakikipagpulong ni Leni sa opisyal ng United Nation at US Embassy. Para sa akin walang mali rito dahil ang illegal drugs ay international problem. Nagulat sila sa magandang performance sa unang araw pa lamang bilang co-chair ng ICAD. Kaya bago umarangkada si Leni, pinutol na agad ni Digong ang tali.

Sa ganitong mga pangyayari malabo na talagang mag­kasundo ang administrasyon at taga-oposisyon. Sa mga opinion pa lamang ay talagang magkasalungat na ng paniniwala. Ayon naman sa Vice President, ipagpapa­tuloy niya ang naumpisahang trabaho kahit hindi na mi­yem­bro ng ICAD.

Sayang si Leni. Swak sana sa kanya ang trabaho sa ICAD. May posibilidad sanang mapahinto ang mga gumagamit ng droga dahil may magandang plano siya para sa mga ito. Kunsabagay, nakapuntos si Leni sa ma­ikling paninilbihan na maaring magamit sakaling tumakbong Presidente sa 2022. Malay natin.

LENI ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with