^

PSN Opinyon

Sarado ang tabakuhan sa NAIA

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

‘CRYING LIKE A COW’ ang mga mukhang tolong­ges at probinsiyanong Pinoy passengers na gustong mag-abroad bilang turista dahil hindi sila pinapayagang makaalis sa NAIA ng mga tauhan ng Bureau of Immigration dito.

Bakit?

Pinagdududahan silang magtatrabaho abroad kaya iyakan blues na lamang ang mga pina-uuwi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, labag sa Philippines my Philippines Constitution ang ginagawa ng ilang mga taga-Immigration sa NAIA dahil may ‘right to travel’ ang lahat ng mga Filipino na gustong mag-abroad.

Tama o mali?

Kaya ang mga mukhang mahirap, tolongges at probinsyanong pasahero sa NAIA ay malabong makaalis ng Philippines my Philippines going abroad bilang turista. Take note, Boss Digong, Your Excellency!

Paano ang tiket na binayaran ng mga turista going abroad na hindi pinaalis ng immigration sa NAIA?

Kawawa naman!

Kambiyo issue, isinara raw ang gripo ng human smuggling sa NAIA at inilipat diumano ang operasyon sa Puerto Princesa at Iloilo?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Puerto Princesa ang singilan ng mga tiwaling immigration officer dito ay P80,000 per head sa mga gustong magtrabaho abroad na may problema sa mga dokumento.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpipista diumano ang mga kamoteng immigration officer dito sa rami ng pera at kliente nilang nagpupunta sa Palawan at Iloilo para dito umalis papuntang abroad.

Kinakapa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangalan ng mga kamoteng immigration officer sa Iloilo at Palawan para sa susunod na isyu.

Abangan.

Mala-gintong caldero

NAGKAROON ng talsikan ng laway este mali tagisan ng talino pala nang pasabugin ni Senate Mino­rity Leader Franklin Drilon ang pagbigay ng gobierno ng P55 million para sa isang kaldero o cauldron na gagamitin sa torch lighting ceremony sa Southeast Asian Games ngayong taon.

Naku ha!

Bakit?

Sabi nga, ang P50 million na halaga ay puedeng magamit para magpagawa ng 50 units ng mga classrooms sa school na pakikinabangan nang matagal ng mga students na gagamit nito.

Korek ka dyan!

Sinasabi ang paggawa ng cauldron o kaldero ay magiging simbolo ng Philippines my Philippines sa SEA Games.

May P4.4 million ang design cost pa lamang, P13.4 million ang pundasyon at P32 million ang halaga para sa pagtatayo ng cauldron o kaldero.

Wow naman!

Gusto kasing magningning ang Philippines my Philippines na siyang host ng game at maipagyabang este mali maipakita pala ang ingenuity at creative designers natin.

Sabi nga, balewala ang P50 million kung sisikat naman ang Philippines my Philippines sa SEA Games?

Naku ha!

Tama ba ito?

Kaya naman pumapalag si Drilon dahil hindi maubos maisip ng una ‘pag natapos ang palaro, paano ngayon ang mangyayari sa malaking halaga ng sala­ping iginugol sa mga nasabing lugar na paglalaruan?

Sabi nga, ano kaya ang mangyayari?

Abangan.

ORA MISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with