^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Desenteng tahanan para sa Yolanda victims, wala pa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Desenteng tahanan para sa Yolanda victims, wala pa

NGAYON ang ika-anim na anibersaryo nang pana­nalasa ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan, partikular na sa Eastern Samar. Pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa na naging dahilan ng kamata­yan nang mahigit 6,000 at marami pang nawawala na hanggang ngayon ay hindi na nakita. Dahil sa lakas ng bagyo, napakaraming bahay ang nawasak.

Anim na taon na ang nakalilipas pero ang masaklap, marami pa sa mga biktima ang walang desenteng tahanan hanggang sa kasalukuyan. Marami pa rin ang hirap na hirap sa kalagayan. May mga nakatira sa ginawang bahay ng National Housing Authority (NHA) pero dusa pa rin sila sapagkat walang kuryente at tubig. Dusa sila kapag sa tag-ulan sapagkat bumabaha dahil walang drainage system at mas lalong dusa kung tag-araw sapagkat sobrang init na halos malitson sila sa loob ng bahay. Ayon sa report, 36 na unit pa lamang ang naia-award ng NHA sa mga biktima ng Yolanda. Nabayaran na umano ang contractor ng P111. 23 milyon pero hindi natapos ang proyekto at itinigil na ang paggawa noong 2017.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at nirekomenda nila sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso sa 12 opisyal ng NHA dahil sa anomalya. Ayon sa PACC, pananagutin nila ang mga opisyal sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Ayon sa mga nabigyan ng housing unit, walang mga patigas na bakal ang bahay. Nadiskubre nila na mga kawayan ang ginawang patigas kaya maa­aring maguho ang kanilang tirahan. May isang pamilya na hindi natutulog sa loob ng bahay pagsapit ng gabi sa takot na bumagsak ito at matabunan sila. Kaya sa lumang pampasaherong dyipni na lamang sila natutulog. Mas safe pa raw sa dyipni kaysa ampaw na bahay.

Marami umanong nasayang na proyektong pabahay sa maraming lugar sa Eastern Samar sapagkat hindi napapakinabangan. Ayon sa mga residente, ang mga sinimulang bahay ay hindi na tinapos at karamihan sa mga ito ay kinakalawang na ang mga bakal.

Panagutin ang mga dating opisyal ng NHA. Dahil sa kanilang ginawa, patuloy ang pagdurusa ng mga biktima ng Yolanda. Anim na taon na ang kanilang kalbaryo. Maawa naman sa mga biktima na hanggang ngayon ay walang desenteng masisilungan.

BAGYONG YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with