^

PSN Opinyon

Nene ang saksi (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SA cross-examination ng piskalya, itinanggi ni Tony ang ginawang pagbaril sa vice mayor. Ayon kay Tony, kasama­ niya ang dalawang kaibigang babae, sina Rosie at Lina at medyo malayo sila sa puwesto ng vice mayor. Katunayan daw, karga pa niya sa balikat ang anak na babae ni Rosie. Nang marinig daw niya ang putok ng baril, napatakbo siya. Nagpulasan sila tulad ng ibang tao na nakari­nig sa putok. Tumestigo rin para kay Tony ang nanay niya na si Pinang at nagpatunay na dalawang buwan bago mag-umpisa ang kaguluhan ay idinulog nila ang kanilang reklamo sa mismong Secretary ng National Defense para isuplong ang pang-aapi sa kayang mga anak ng namatay na vice mayor. Pero lumalabas na binasura pala ng hepe ng Philippine Constrabulary Company ng bayan ang kanilang reklamo nang ipasa ito sa kanya ng provincial commander.

Hindi naniwala ang korte sa mga ebidensiyang inihain ni Tony dahil positibo siyang itinuro ni Abby na siya ang may hawak ng baril. Ayon sa korte, walang nagtulak kay Abby na tumestigo laban kay Tony at wala silang ma­kitang motibo ng dalagita para siya idiin sa krimen. Kaya nahatulan si Tony sa kaso pero nakalusot ang kan­yang kapatid na si Nichol dahil hindi napatunayan na ka­sabwat ang lalaki sa krimen. Inapela ni Tony ang kaso at ikinatwiran na dapat ay mas paniwalaan ng korte ang kanyang ebidensiya imbes na ang prosekusyon ang pani­walaan. Idinahilan pa niya na maling apelyido ang ibinigay ni Abby sa korte kaya paano raw paniniwalaan ang mga pahayag nito. Dapat ay pagdudahan man lang ng korte ang kredibilidad ng dalagita dahil sa ginawang pagsisinungaling. Huling argumento ni Tony ay paano niya ba­barilin ang vice mayor sa kaliwa samantalang nasa kanan nga siya ni Abby.

Hindi rin tinanggap ng Supreme Court ang mga palusot ni Tony. Ayon sa SC, kahit totoo pa na ang apelyido ni Abby ay Veloso at hindi Romero at ito lang ang apel­yido ng kanyang lola kung kanino siya nakikitira, napilitan lang ang pobre na magsinungaling dahil sa takot na kung Veloso na totoo niyang apelyido sa pagpasok sa high school ang ginamit niya ay baka mahanap siya ni Tony at takutin o kaya ay patayin. Ayon pa sa SC, kahit pa nasa kanan nga ni Abby, si Tony ay wala naman katibayan na kanang kamay niya ang ginamit sa pagbaril. At kahit pa kanang kamay ang ginamit niya nang kalabitin ang gatilyo ng baril ay naipaliwanag din naman na saktong ipinaling ng vice mayor sa kaliwa ang ulo nang saktong tumagos ang bala.

Kaya walang pag-aalinlangan na nagkasala si Tony sa krimen na murder at nakabigat sa kanyang kaso ang pataksil na paraan ng pagpatay na kanyang ginawa para siguradong mapatay niya ang biktima sa malapitan. Hindi man lang nagawang makapanlaban ng biktima. Tama lang daw ang parusang reclusion perpetua o halos habang buhay na pagkakulong na ipinataw ng korte pero tinaasan ang danyos at ginawang P30,000 (People vs. Moreno, G.R. L-53915, May 28, 1984).       

NENE

SAKSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with