^

PSN Opinyon

Nang dahil sa isang report…

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa sunud-sunod na report at tips na ipinarating sa BITAG, nagsimula nang lumarga ang aming “Night Strikers.” Sabi nga nila, sa gabi ay maraming kababalaghang nangyayari. Oras nang pahinga ng mga awtoridad, opportunity naman sa may masasamang balak at gawain.

Sa pamamagitan ng aming Facebook pages – Bitag Live, Pambansang Sumbungan, Bitag New Generation, Ben Tulfo Unfiltered at Bitag Multimedia Network; maging sa e-mail na­[email protected] maraming umaabot na mga impormasyon hinggil sa mga iregularidad sa komunidad.

Nito ngang nagdaang linggo, sumampol na ang BITAG Night Strikers. Tinukoy namin ang sinasabing red plate vehicle umano na ginagamit daw pang-spakol. Naidokumento ang kakaibang kasiyahan ng 3 lalaking lumabas mula sa isang Spa sa Timog. Matapos ang happy-happy, dumiretso sa isang bulaluhan at ginawang grab car ang sasakyan panghatid sa mga kasamahan.

Lumabas sa record ng Land Transportation Office, sa munisipyo ng Victoria, Laguna ito nakarehistro. Itinanggi ng mayor ng probinsiya at sinabing matagal nang wala sa kanila ang nasabing sasakyan. Sa patuloy na pag-iimbestiga, nabili raw sa isang auction ng GSIS ang sasakyan. Pero ang pulang plaka, hindi pa natanggal, ginamit pa rin ng lalaking nagmamaneho ng gabing sinundan sila ng Bitag Night Strikers.

Ang nakilalang bagong nagmamay-ari na si Boss Vic, hindi empleyado ng gobyerno. Isa lang daw siyang maliit na negos­yante. Nang makausap ko ito sa telepono, nakainom pa ang loko. Masama raw ang loob niya dahil kung dati ay “Boss Vic” ang tawag sa kanya sa komunidad, ngayon ay “Boss Jack” na.

Wala akong kinalaman diyan mga Boss! Ipinalabas lamang namin sa BITAG ang totoong laman ng aming mga camera na naidokumento ng aking mga field investigators ng gabing ‘yun. Nangako si Boss Vic, pupunta siya sa aking opisina para magpaliwanag at linawin ang sitwasyon. Tinupad naman niya, kinaumagahan ay nagpakita siya sa BITAG Action Center. Pero kinatanghalian, noong hinahanap ko na para mag-usap kami, umuwi raw muna’t tinawag ng kalikasan. Hindi na muling bumalik ang kolokoy noong araw na ‘yun.

Maraming katanungan na dapat sagutin sa kasong ito. Paano niya nabili nang ganoon na lang ang sasakyan mula sa GSIS? Bakit kasama pati ang pulang plaka? Dahil hindi naman siya taong gobyerno ay bakit malakas ang loob niyang gamitin ang sasakyan gamit ang red plate? Ibig sabihin, may sariling interes, may masamang balak, may intensiyong gamitin ang mga “benefits” ng isang red plate vehicle. Delikado ito’t dapat mapagtuunan ng pansin. Kung hindi pa dahil sa tip sa BITAG, hindi malalantad ang ganitong iregularidad sa ating lansangan.

Mga Boss, maglalabas ang BITAG ng textline kung saan mula Luzon, Visayas at Mindanao ay maaaring magpadala ng mga ganitong klaseng tip at report sa BITAG. Malaki ang maitutulong ng publiko bilang mata ng awtoridad sa mga di kanais-nais na gawain sa lipunan. Ang papel ng BITAG, maging instrumento ng katotohanan, makatulong na ilantad at matigil ang mga ganitong aktibidades sa komunidad.

BITAG LIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with