Castro sumuko ka na
UMINIT na ang usapin tungkol sa diumano’y tinaguriang “drug queen” na si Barangay Kapitana Guia Gomez Castro porke sangkatutak na ang naging katanungan kung paano nakalabas ito ng Philippines my Philippines going abroad samantalang may 3 warrant of arrest ito laban sa kanya ang inisyu ng korte.
Bakit nga ba?
Ano sa palagay ninyo?
Ikinatuwa ng malakanin este mali Malacañang pala ang mungkahi ni Senator Drilon na maisnopek o kanselahin ang travel documents ni Castro dahil may standing warrant of arrest ito.
Sabi nga, kanselahin na ang passport nito para maging illegal alien na ito sa country na napili niyang tirikan.
Naku ha, lagot ka na ngayon!
Ang pagkansela ng passport ni Castro ay decision making ng DFA.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inakusahan si Castro sa pamamahagi ng mga droga at pagbenta nito sa mga ‘ninja cops’ na siyang nagre-recycle ng mga nakumpiskang droga para muling ibenta.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasungkit noong 2001 si Castro sa diumano’y pag-iingat ng droga pero nabalewala ang kaso nito.
“Kaya naman ang negosyo niya ay lalo niyang pinalawak dahil sa diumano’y koneksyon,” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Nanawagan si Manila City Mayor Isko Moreno sa Interpol para maibalik si Castro sa Philippines my Philippines.
Nalaman ng Immigration na nakaalis na si Castro going to Bangkok kasama ang ilang pamilya niya matapos siyang dumating galing Canada.
Binibigyan ng pagkakataon ng gobierno na sumuko na si Castro para bigyang linaw ang mga akusasyon na ibinabato sa kanya.
Abangan.
Vince Cadang, 39
BINABATI ng pamilya, mga kamag-anak, kababayan at mga kaibigan si Vince sa kanyang kaarawan yesterday.
Sabi nga, sa Sunday ang handaan at siya mismo ang magluluto ng mga putahe na kanyang ihahanda kabilang ang “grilled steak” na paborito niyang ipakain sa mga kaalyado nito.
Pinababati rin siya ni Julie, ang kanyang maybahay at anak.
Happy Birthday Vince, may you have more, more, more b-days to come.
Sabi nga, enjoy life!
- Latest