Paano patubuin ang iyong savings?
MANILA, Philippines — Alam po natin ang kagustuhang ma-maximize ang perang ating pinagpaguran. Ayaw natin itong mauwi sa wala. Lalo na kung ikaw ay isang OFW na nagpadala ng pera. Gusto mong ilagay sa isang lugar na ligtas at tutubo pa rin ng interest.
Pero sa panahon ngayon, ang dami na ring mga klaseng investment. ‘Di lang ‘yon, ang dami na ring mga scams na nambibiktima ng mga kawawang mamayan na walang kaalam-alam na sila ay nabiktima na pala.
Ito ang nangyari sa isang OFW na nagtrabaho nang mahigit 10 taon sa abroad. Siya ang inengganyo na mag-invest ng kanyang pera sa isang kumpanya. Pinangakuan siya na bibigyan ng buwanang interes na 5% at 60% per annum.
Noong mga unang buwan, naibibigay sa kanya ang 5% interest. Makalipas ang isang taon, hindi na nila ibibigay ang interest at panay dahilan at iwas na ang ginagawa tuwing sisingilin sila ngmga investor. ‘Di nagtagal, nalaman na lang nila na nagsara na ang kumpanya at itinakbo na ang kanilang pinagpagurang pera. Walang tao na mahagilap at wala na ang kumpanya.
Kaya’t bago pa mag-invest ng iyong pinagpagurang pera, tantandaan ang investment rule na, “The higher the investment, the higher the risk.”
Para maiwasan ang risk, narito ang mga tipo ng accounts na pwedeng paglagyan ng ipon:
1. Savings account
Banks and credit unions (cooperative o kooperatiba, a financial institution that is created, owned and managed by its members) offer savings accounts. Ito ang pinakamababa na interest at basic form of services being offered by banks.
Alam n’yo ba na ang perang nasa savings account ay insured ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) currently up to P500,000 per depositor per bank, whether in peso or foreign currency.
Ang ibig sabihin nito, kahit anong mangyari sa bangkong didepositahan mo ng pera, babalik pa rin ang iyong pera within P500,000 per depositor per bank.
2. High yield bank accounts
This is a type of savings account, complete with PDIC protection, na pwedeng kumita nang mas higit pa sa isang normal na savings account.
Ito ay kikita nang mas malaki dahil sa mas malaki ang hinihingi nilang deposito. At hindi ito ino-offer sa lahat ng mga kliyente. Ito ay ino-offer lang sa mga kliyente na medyo matagal nang depositor. Meron ding mga online high-yield bank accounts, dito pwede naming ilipat ang inyong pera sa ibanbangko sa pamamagitan ng online transfer.
3. Certificate of deposits (CDs)
Ito rin ay nagbibigay nang mas mataas na interes kumpara sa savings account. Makukuha po ito sa pamamagitan ng banks at cooperatives.
Same with savings accounts, CDs are insured by the PDIC, but most of the time they offer a higher interest rate, especially with bigger and longer deposits. With CDs, you will have to keep your money in the CD for a specific amount of time; otherwise, the depositor will incur a penalty.
Ang holding at maturity period po ay minimum ng 6 months, 1 year o 5 years. Depende sa ino-offer ng bangko. Earned interest may be added to the CD if and when the CD matures and renewed. May also be called time deposit.
It is good to be aware that with CD ang na-earn na interest ay guaranteed kung ikukumpara sa iba pang investments gaya ng equities at mutual funds na ang bawat client ay binibigyan lamang ng “indicative rates,” meaning ang value ng savings ay nakadepende sa exchange rate o currency’s current market price.
Final reminder
Kahit saan mo ilagay ang iyong pera, mas maganda pa rin kung ang paglalagyan mo nito ay ‘yung garantisado na at sigurado pa. Mas maganda na rin kung ang maggagarantiya ng iyong pera ay isang matatag na institusyon. Hindi lang basta tao o kumpanya.
Ang tao, pwedeng tumakas. Ang kumpanya, pwedeng magsara. Pero ang institusyon tulad ng gobyerno ay ‘di pwedeng magsara. Kung nagsara ang gobyerno, sino pa ang magpapatakbo ng bansa. Ang PDIC ay isang sangay ng gobyerno na pwede talaga nating asahan sa darating na panahon. Kampante tayo na pinoprotektahan nila ang perang ating pinagpaguran.
Savings allow you to keep away hard-earned money while earning modest, low-risk return on investment. Due to these different investment vehicles, researching may help you in determining which of these will benefit you the most.
Interest rates are changing, so it is wise to study all of these before investing your money in a particular saving account so you can maximize your savings.
Think. Reflect. Apply.
- Ikaw, saan nakalagak ang perang pinagpaguran mo?
- Kumikita ba ang pera mo ng maayos?
- Safe ba ang pera sa pinaglagakan mo?
Para sa karagdaang kaalaman, bumisita sa https://www.facebook.com/VeteransBank.
- Latest