^

PSN Opinyon

Kumakampi kami sa tama at hindi nagsisinungaling

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAY proseso kaming sinusunod at sinisigurong patas sa bawat reklamong tinatrabaho namin. Hindi porke’t may naunang magsumbong, ‘yun agad ang aming papa­nigan. We do not tolerate bias system and we will never be one-sided.

Kamakailan, sumugod sa BITAG Action Center ang mag-inang Marife at Alvin Go na inirereklamo ang kanilang kapitan sa Bgy. Chrysanthemum, San Pablo City, Laguna. Nang-aagaw daw ng lupa si Kapitan at nanuntok pa.

Kuwento ni Alvin, bigla na lang pinalinis ni Kap. Restituto Hernandez ang kanilang bakanteng lote. Gusto raw kasi ni Kap na gawin itong paradahan ng mga pakalat-kalat na tricycle. Nang sawayin ni Aling Marife si Kap at mga tauhan nito, nagkagulo kaya kinuhanan ng video ni Alvin ang nangyayari. Nainis daw si Kap sa pamvi-video kaya bigla raw sinuntok si Alvin.

Live sa Pambansang Sumbungan Aksyon Ora Mismo, kinausap ko ang inirereklamong kapitan para sagutin ang mga akusasyon. Sabi ni Kap, wala raw siyang katiting na interes na agawin ang lupa na nasa panga­ngalaga ni Aling Marife. Parte ng kanyang paglilingkod sa mga residente ng Bgy. Chrysanthemum ang gina­wang clearing operations sa bakanteng lote ni Aling Marife at sa iba pang sakop ng 5-meter danger zone na itinalaga ng Philippine National Railways (PNR) para sa widening project.

Bayanihan pa nga raw ang mga residente sa paglinis ng ga-bundok na basura na dalawang dekada nang nakatambak sa lugar. Sa isyu ng panununtok, inamin ni Kap na nagkasagutan sila ni Aling Marife pero walang panununtok na nangyari sa anak nitong si Alvin. Kinabig niya lang ang cell phone na pinamvi-video at saktong tumama ito sa bibig ni Alvin kaya may tama ito sa nguso.

Malinaw na walang pangangamkam ng lupa at walang pananakit na naganap taliwas sa sumbong ng mag-ina laban sa kanilang Kapitan.

Forte ng BITAG ang pag-iimbestiga. Kung intensyon n’yong gamitin ang aming programa para sa pansariling kapritso, e magdalawang-isip kayo. Kumakampi kami sa tama lalo kung totoo at walang dagdag-bawas ang reklamo. Pero kung may halong kasinungalingan ang sumbong, baka imbes na ikaw ang kampihan, baka ikaw pa ang mahulog sa BITAG!

BITAG ACTION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with