^

PSN Opinyon

Masustansiya ang hipon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG hipon ay mababa sa calories at masustansiyang alternatibong pamalit sa karne.

Mayaman ito sa protina, vitamin D, vitamin B12, Iron, phosphorus, omega-3 fatty acids, niacin, zinc, copper at magnesium.

Mga benepisyo ng hipon sa kalusugan:

l Ito ay low-fat at low calorie protein. Ang 4 ounces ng hipon ay nagsusuplay ng 23.7 grams ng protein para sa 112 calories lamang at mas mababang grams ng fat.

l Magandang pinagmumulan ng omega-3 fatty acids­ para mabawasan ang panganib sa sakit sa puso at koles­terol sa dugo.

l Posibleng mapagaan ang mga sintomas ng premenstrual syndrome.

l Pigilan ang pagdevelop ng rheumatoid arthritis.

l Tumutulong na maiwasan ang Alzheimer’s disease.

l Mayaman sa Vitamin D na kailangan sa pag-absorb ng calcium at phosphorus, para tumibay ang ngipin at buto.

l Mahusay na mapagkukunan ng vitamin B12 na mahalaga para sa tamang pag-andar ng utak at pagbuo ng mga selula ng dugo.

l Magandang pinagmumulan ng selenium. Pinahihina nito ang nakapipinsalang epekto ng free radical na pangu­nahing sanhi ng kanser.

Tips sa pagbili ng hipon:

l Ang sariwang hipon ay dapat matigas ang katawan na nakadikit pa rin sa kanilang mga shell.

l Dapat walang itim na mga spot sa shell nito. Kapag may spot, nagpapahiwatig na ang laman ay pabulok na.

l Pagkabili ng hipon ilagay agad ito sa refrigerator. Maaaring tumagal ng 1 hanggang 2 araw ang sariwang hipon.

l Maaaring i-extend ang shelf life ng hipon kung ilalagay sa freezer at balutin nang maayos sa plastic.

l Para i-defrost ang hipon ilagay ito sa mangkok ng malamig na tubig. Huwag i-microwave dahil mawawala ang nutrients.

CALORIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with