^

PSN Opinyon

Mga butil na bumubuo ng ating katawan

SAPOL - Jarius Bondoc - Agence France-Presse

HINDI lang tayo binubuo ng mga butil-butil, gumagawa rin nu’n ang katawan natin, at binobomba tayo nang marami nu’n araw-araw.

Halos 99% ng katawan ay atoms ng hydrogen, carbon, nitrogen at oxygen. Meron pang maraming elements na kailangan para mabuhay.

Atoms ang bumubuo sa cells. Bagamat ang cells natin­ ay “nanganganak” o napapalitan tuwing pito hanggang 15 taon, marami roon ay sumibol sa mundo daan-mil­yong taon na ang lumipas. Lahat ng hydrogen na bumubuo sa katawan natin ay nagawa nu’ng nalikha ang kalawakan sa isang Big Bang. Ang mga carbon,nitrogen, at oxygen atoms na bumubuo sa atin ay nagawa ng mga nasusunog na bituin. Ang mabibigat na elements sa atin ay nabuo sa mga sumabog na bituin.

Depende ang laki ng atom sa lokasyon ng electrons nito. Ang nucleus sa gitna ay 100,000 beses ang liit kaysa mismong atom. Kung ang nucleus ay kasing-liit ng mani, ang atom ay kasing-laki ng sports stadium. Kung aalisin lahat ng blankong espasyong atoms, at pagdikit-dikitin lahat ng nucleus at electrons, ang katawan ng tao ay kasing-liit ng alikabok -- at ang sangkatauhan ay kakasya sa isang sachet ng shampoo.

Malaki ang katawan ng tao dahil sa kinetic energy. Radioactive ang katawan natin dahil sa mga radioactive elements na tumatama sa atin at dahil din sa atoms na likas sa katawan natin. Ang radioactivity natin sa loob ng isang taon ay katumbas ng apat na chest x-rays.

Otomatiko sa muscles natin ang paghinga, pagtibok­ ng puso, pag-ikot ng dugo sa katawan. Bukod sa tubig at pagkain, kailangan ng katawan ng araw. Naging ugali ng mo­dernong tao ang magpaganda, pumustura, magpaba­ngo. Nakikisama tayo sa kapwa,nagmamahal, nagtatampo, tumatawa, nalulungkot, nag-iisip, sumasampalataya.

Kapag namatay, ang katawan ay naaagnas. Ang mga atoms ay naghihiwa-hiwalay. Nariyan lang sila sa paligid-ligid. Bubuo ng mga bagong bagay, may buhay man o wala. Gan’un nilikha ng Diyos lahat.

CARBON

HYDROGEN

NITROGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with