^

PSN Opinyon

‘Continuity’ hindi gagap nang maraming burokrata

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG nag-crashland ang Xiamen Airlinejumbo, 36 oras barado ang runway kaya isinara ang Manila International Airport. Nu’ng bumagsak ang kisame at sumabog ang bin­tana sa lindol, dalawang araw na sarado ang Clark International Airport. Nabatikos na! Pero apat na taon bago natapos ang emergency pabahay ng mga biktima ng 2013 Supertyphoon Yolanda, at limang taon ang sa mga nasunugan sa 2013 Zamboanga Siege. Aray!

Kailangang yugyugin ang mga taong gobyerno. Impektado sila nang masamang asal ng Pilipino na “puwede na ‘yan”. Kuntento na sila sa kawalan kalidad na serbisyo publiko, sa kahinaan at sa kababawan.

Hindi nila gagap ang buod ng “continuity”.

Ang “continuity” ay pagpapatuloy ng kaayusan at ope­rasyon sa panahon ng sakuna. Target ito ng matitinong managers sa pribadong kumpanya o pampublikong ahensiya. Hindi nila iniaasa ang sitwasyon sa tsamba ng kagamitan o tauhan. Pinaghahandaan nila ang lindol, sabog ng bulkan, super typhoon, baha, daluyong, o tsunami.

Sa pabrika, halimbawa, dini-drill ang mga empleyado sa maayos na evacuation sa panahon ng sakuna. Tinitiyak na ligtas ang bawat isa at pamilya niya. Pinaghahandaan ang first aid, pagdadalhang ospital, at ambulansiya. Sa gan’ung paraan, mapapatakbo pa rin ang pabrika.

Tinitiyak din na ligtas ang pook ng trabaho. Matitibay ang mga mesa at upuan, pintuan at bintana, bubong, pader, at hagdanan. Handa ang emergency power supply­, ilaw, tubig, fire extinguishers, medical kits, at iba pa. Na­ging leksiyon sa marami sa kanila ang lagapak ng negosyo dahil sa Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas nu’ng 2013.

Sa kahinaan ng management sa Manila Airport, na blacklist tuloy sila ng US Department of Homeland Security. Sa Clark International Airport nabistong substandard ang kalakaran, konstruksiyon, at kagamitan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with