^

PSN Opinyon

Hindi kuwalipikado kaya ibalik

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Palasyo, ang mga bilanggo na may heinous crimes pero napalaya dahil sa Good Conduct Time Allo­wance (GCTA) ay kailangang ibalik sa bilangguan. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo nang pumutok ang balita na 1,914 bilanggo ang na­palaya na dahil sa GCTA mula 2013. Ayon kay BuCor legal division chief Fredric Anthony, ang mga napalaya ay may mga kasong pagpatay, panggagahasa, iligal na droga, pagnanakaw at kidnapping. Kabilang din umano sa mga pinalaya ang mga dumukot, gumahasa at pumatay sa Chiong sisters.

Hindi raw puwedeng makinabang ang mga iyan sa GCTA dahil nahatulan sa heinous crimes kaya dapat ibalik sa bilangguan para tapusin ang sentensya. Sana malinaw na ito dahil may mga nagpupumilit na dapat palayain nga si Antonio Sanchez dahil sa GCTA. Ngayon, pumayag naman kaya ang mga nakatikim ng kalayaan na maibalik sa Bilibid? ‘Di kaya nagliparan na ang mga iyan dahil wala pa siguradong mga hold departure order?

Napansin din ni Sen. Ping Lacson na mga mayayaman ang nakalaya. Mga Chinese drug lord, mga sangkot sa kaso ng Chiong, at si Sanchez na muntik nang mapalaya. Kaya ano na naman ito?

Dapat lang imbestigahan ng Senado ang mga GCTA at mga pinalaya nang bilanggo. Kung hindi pumutok sa media at socal media ang posibleng paglaya ni Sanchez na sinang-ayunan pa ng BuCor at DOJ bago binawi ang kani-kanilang mga pahayag.

Sino ang pumirma na palayain ang mga iyan? Sino ang nagbigay ng basbas? Ayon sa batas ang BuCor chief ang dapat pumirma, kaya sino ang kasaluku­yan at mga nakaraang BuCor chief?

Alamin ang mga iyan at magpaliwanag sila. May mga nagsabi ba sa kanila na puwede nang palayain, o sila na lang ang nagdesisyon batay sa lumalabas na maling interpretasyon ng batas? Mahirap bang intindihin ang Republic No. 10592? 

Kailangan may saysay ang mahatulan ng ilang reclusion perpetua. Dapat hindi na maaaring makalaya kahit ano pa ang dahilan. Hindi ba ang mahatulan ng ilang bilang ng marahas na krimen ay patunay sa sama ng krimen at ng kriminal?

Tapos 40 taon lang ang puwedeng manilbihan ng sinumang bilanggo? Hindi ba nakakatawa iyan? Kaya malakas ang loob ng mga mayayaman dahil may mga ganitong probisyon sa batas na puwedeng pagsamantalahan. Tulad ng GCTA na iba-iba ang interpretasyon.

Dapat kumilos ang lahat -- ang admi­nistrasyon, ang Senado o Kongreso, pati ang hudikatura para mahinto na ang pagpapalaya ng mga hindi naman kuwalipikado para matapos na ang kontrobersiyang ito.

vuukle comment

GOOD CONDUCT TIME ALLO­WANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with