^

PSN Opinyon

No homework bill

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUMAWA kaya ng kanyang homework si Deputy Speaker­ Evelina Escudero bago niya ipinanukala na bawalan ang mga guro sa pagbibigay ng homework sa kanilang mga pupils? Malamang hindi dahil ayaw niya sa homework eh. 

Okay lang kung tuwing weekend hindi gagawa ng home­­work ang mga pupil sa kindergarten at elementarya­, tulad­ ng panukala nina Senator Grace Poe at Rep. Alfred Vargas. Pero kung araw-araw, mali na iyan.

Ito’y para raw magkaroon ng quality bonding time ang mga bata sa kanilang mga magulang.

Ani Congresswoman Escudero, nahihirapan ang mga bata kaya tinatabangan silang mag-aral. Kasama sa panu­kala ni Escudero ang pag-iwan sa eskuwelahan ng mga textbooks ng estudyante. Kaya ipinapanukala na bigyan ng kani-kanilang locker ang mga mag-aaral. Katuwiran - para daw hindi mahirapan ang mga bata sa pagbibitbit ng mabigat na aklat.

Sa ganang akin, ang mga kabataan ay dapat himu­king­­ magbasa ng libro sa loob o labas ng paaralan. Kung ipa­­tu­tupad ang ganyang batas, hindi mauunawaan ng mga bata ang kahalagahan ng mga aklat. Ang mga teachers­ na lalabag sa batas na ito ay mapapatawan pa ng multa at pagkakulong. Hindi ko ma-appreciate ang tinutumbok ng ganyang panukala, lalo pa’t gagastos din ng malaking­ halaga sa paglalagay ng lockers para sa mga batang nag-aaral at ang layunin ay hindi naman magbubunga ng mabuti.

Hindi ako pabor sa ideyang ito. Sa tingin ko, ang pinaka­magandang bonding ng magulang sa anak ay gabayan siya sa pag-aaral sa pagtulong sa kanya sa paggawa ng homework. Sa panahong ito na lubhang nahuhumaling ang mga bata sa computer games sa cellphone o tablets, lalo lang mabibigyan ng dagdag na oras ang kabataan sa ganitong libangan.

Bilang isang magulang, nakaugalian ko nang tingnan ang mga notebooks ng mga anak ko noong araw para malaman ang kanilang takdang aralin. Hindi ko man gina­gawa ang kanilang mga assignment, naroroon ako sa tabi nila para sila’y gaba­yan at sagutin ang kanilang tanong kung mayroon man. Iyan ang pinakamainam na paggugol ng quality time sa mga anak natin.

Binibigyan ng homework ang mga bata para matuto at gugulin ang oras sa mga bagay na kapapakinabangan nila. Tinuturuan sila na ang buhay ay kinapapalooban ng pagpaplano sa ano mang dapat nating gawin. Harinawang pag-isipan munang ma­buti ng mga nagpapanukala ang bill na ito.

NO HOMEWORK BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with