^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga palalayaing bilanggo, salain

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga palalayaing bilanggo, salain

AYON kay Bureau of Correction (BuCor) Director Nicanor Faeldon, 11,000 bilanggo ang nakalista para palayain dahil sa nabawasang sentensiya kaugnay sa good conduct time allo­wance (GCTA) sa ilalim ng Republic Act 10592. Ganunman, 1,000 lamang ang nakapasa sa GCTA. Marami umanong ginawang kasalanan ang mga bilanggong nasa listahan kaya hindi nag-qualified.

Tiyak nang hindi kasama si convicted rapist­ at murderer Antonio Sanchez sa mga palalayain dahil mismong si President Dutere ang nagsabi na hindi niya ito papayagan. Ayon sa Malacañang, masyadong mabigat ang kasalanan ni Sanchez para ito mapalaya. Nahulihan pa ng shabu at marijuana si Sanchez sa kanyang selda noong 2006. Ganunman, sa interbyu kay Sanchez ng Channel 2, sinabi niyang wala siyang kasalanan sa mga kasong ibinintang sa kanya. Hinatulan si Sanchez ng pitong habambuhay na pagkabilanggo dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpatay din kay Allan Gomez, mga estudyante ng UPLB noong 1993.

Marami ang nagalit nang ihayag ng Department of Justice (DOJ) na kasama si Sanchez sa mga palalayain dahil nakapagsilbi na ito ng 26 years at nabawasan na ang sentensiya dahil sa GCTA. Lalo pang nagalit ang mamamayan nang sabihin ni Senator Bato de la Rosa, na dapat big­yan ng second chance si Sanchez. Hanggang sa makialam na ang Malacañang sa isyu. Saka lamang humupa ang galit. Ganunman, sabi ng Sarmenta at Gomez family ay mag-aapela pa rin sila sa Supreme Court para hindi mapalaya si Sanchez.

Dapat maging maingat ang Bucor sa pagpa­palaya ng mga bilanggo kaugnay sa GCTA. Rebyuhing mabuti. Sabi ni Faeldon, 200 na ang kanilang napalaya mula nang ipatupad ang RA 10592. Hindi na dapat maulit ang nangyari na pati ang rapist-murderer na si Sanchez ay mapa­palaya sana. Mag-ingat na sana ang Bucor.

BUREAU OF CORRECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with