^

PSN Opinyon

Lagot si Titser

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ALINSUNOD sa Republic Act 7610, ang pananakit sa menor-de-edad o pagmamaltrato sa kanya sa paraan na tinatanggalan siya ng dignidad o nakakabawas sa kanyang pagkatao ay mayroong mas mabigat na parusa sa batas kaysa sa nakasaad sa Revised Penal Code.

Ang kasong ito ay tungkol sa isang titser na nagpaparusa sa kanyang mga estudyante. Ang tanong ay kung mapaparusahan sa ilalim ng RA 7610 ang guro na may karapatan na dumisiplina sa kanyang mga estudyante.

Isang titser sa elementarya si Rosa. Isang umaga, bago mag-umpisa ang klase at habang natutulog siya sa kawayang sopa, biglang pumasok si Ronnie at aksidenteng nabunggo ang tuhod ng titser. Inutusan ni Rosa si Ronnie na humingi ng paumanhin sa kanya pero hindi ito ginawa ng estudyante at dumiretso lang sa kanyang upuan.

Ang ginawa ni Rosa ay kinurot sa singit si Ronnie. Hindi pa nakuntento ay hinawakan sa magkabilang kili­kili ang bata at itinulak. Napahampas sa mesa ng titser si Ronnie at nawalan ng malay. Pero hindi pa nakuntento si Rosa at piningot sa taynga si Ronnie sabay paulit-ulit na hinampas sa sahig ang bata.

Matapos ang insidente, nag-umpisa na sa pagtuturo si Rosa. Noong tanghalian ay tinulungan ng dalawang kaklase si Ronnie para makauwi. Umuwi ang bata na umi­iyak pa rin. Kaya sina Bela at Arlyn na ang nagkuwento rin sa nanay ni Ronnie sa nangyari.

Pumunta sa kapitan ng barangay ang nanay at tiyahin ng bata para magreklamo. Pinayuhan sila na ipasuri ang bata sa doktor kaya pumunta sila sa ospital at sinuri si Ronnie ni Dra. Millie. Gumawa ang doktora ng kaukulang report na ginamit sa pagsasampa ng reklamo sa pulis.

Ayon sa medical report ni Dra. Millie ay nagkaroon ng 1) mga pasa sa magkabilang taynga si Ronnie sanhi ng pagkakapingot; 2) pamamaga ng mga kalamnan dahil sa pagkakatama sa matigas na bagay; 3) mga sugat sa kaliwang hita dahil sa tindi ng pagkakakurot; at 4) sakit sa taas na bahagi ng kaliwang hita kaya nahihirapan si Ronnie sa paglalakad.

Kaya sinampahan si Rosa ng kasong child abuse sa RTC ng kanilang probinsiya. Sa paglilitis ay tumestigo si Ronnie at ang doktora samantalang si Rosa lang ang tumayong testigo para ipagtanggol ang sarili. Hindi naman daw niya sinadyang maltratuhin ang bata at gusto lang niyang disiplinahin dahil sa ginawa at dahil nga siya ang titser nito. (Itutuloy)

vuukle comment

MENOR-DE-EDAD

REVISED PENAL CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with