^

PSN Opinyon

Handa na ba tayo sa ‘The Big One’?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MULI na namang lumindol at grabeng tinamaan ang Batanes. Ang lindol ay maihahalintulad ko sa isang magnanakaw na walang nakaaalam kung kailan sasalakay. Hindi natin alam ang araw o oras kung kailan mangyayari ang pagyanig ng lupa. Nakita naman natin ang pagkagulat ng mga kababayan sa Batanes nang tamaan sila ng lindol. Hindi sila nakapaghanda. Kasi nga ang pinaghahandaan natin ay ang matunog na “The Big One” na nakasentro sa Metro Manila.

Ang tanong ko ay ito, handa na ba tayo sa pagtama ng “The Big One”? Huwag balewalain ang ipinapatupad na earthquake drill ng pamahalaan upang pagtama ng lindol ay hindi tayo matataranta. Alam natin ang gagawin upang tayo ay maligtas gayundin ang ating pamilya. Para sa akin, puwede namang gawin ang earthquake drill sa umaga hanggang hapon, hindi kailangang gawin ito sa mada­ling araw gaya ng nakaraang drill noong nakaraang linggo.

Ang pagtama ng lindol ay ilang segundo lamang o matagal na kung abutin ng isang minuto. Sa pagyanig, posibleng magiba ang mga lumang bahay, simbahan, gusali at maaaring mabiyak ang mga kalsada at matumba ang mga poste. Nang lumindol noong Hulyo 1990 na tinamaan ang Baguio City, dumapa ang Hyatt Terraces na karamihan sa mga guest ay maybahay ng mga opisyal ng gobyerno at turista.

Ang kapangyarihan ng dasal ang magsasalba sa ating lahat dahil puwedeng hindi matuloy ang “The Big One” sa kagustuhan ng ating Panginoon. Pero nararapat pa rin itong sabayan ng ibayong pagha­handa. Makisali at makilahok sa isinasagawang earth­quake drill ng pamahalaan.

BATANES EARTHQUAKE

THE BIG ONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with