^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga mambabastos

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala sa mga mambabastos

NOONG nakaraang Abril 17, 2019 pa pinirmahan ni President Duterte ang Republic Act No. 11313 (Safe Spaces Act) at tinatawag ding Anti-Bastos Law pero noon lamang Lunes ito inihayag sa publiko. Maraming kababaihan ang pumuri sa batas sapagkat mapuprotektahan na sila. Hindi na sila basta-basta masisipulan sapagkat mananagot sa batas ang sinumang gagawa niyon.

Sa ilalim ng batas, mahigpit nang ipinagbaba­wal ang sexually offensive acts sa kababaihan kahit saang lugar na publiko, sa kalsada, sa lugar ng trabaho, sasakyan, schools, recreational areas, bars o maski sa online.

Bawal pagsalitaan na may kabastusan o kalaswaan, sipulan, sundan, paglabasan ng ari o gawaan ng sexual advances ang kababaihan. Ipagbigay-alam agad sa malapit na police station o barangay ang pambabastos para makapagsampa ng reklamo.

Nire-require naman ang mga restaurant, bars at mga sinehan na maglagay ng malinaw na warning signs sa magiging violators. Dapat ding magkaroon ng hotline number para madaling maireport ang violators. Kailangan din na may officer na kukuha ng complaint at dadakip sa sinumang perpetrators.

Napapanahon ang batas na ito sapagkat karaniwan ng maraming babae ang nababastos habang naglalakad sa kalye. May mga babaing bibili lamang ng suka at toyo sa tindahan sa kanto ay nakaka­ranas ng pambabastos sa mga lalaking tambay.

May mga babaing sinisipulan at pinariringgan ng mga bastos na pananalita na para bang “pokpok” ang kanilang nakita. Mayroon pang kung anu-ano ang ginagawa para mapansin ng babae. Ang iba, tila manyak nang ipakikita ang ari sa babaing naglalakad o kahit sa nakasakay sa pampasaherong sasakyan.

Kapaki-pakinabang ang batas na ito at sana, ma­ipatupad nang maayos. Siguruhin lamang na mayroong mapagsusumbungan karaka-raka ang mga kababaihan para madaling maaresto ang sinumang gagawa ng kabastusan o kahalayan. Kung walang mag-aasikaso sa complainant, balewala ang batas na ito. Dapat siguruhing mayroong malalapitan ang mabibiktima ng mga bastos anumang oras. Hindi dapat masayang ang batas na ito na nagpuprotekta sa mga kababaihan.

ANTI-BASTOS LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with