^

PSN Opinyon

Pakwan: Maraming benepisyo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay gina­gamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. May tulong din sa may high blood.

2. Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapalakas sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Ngunit hindi lang nga kasimbisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.

3. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansiya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser.

4. Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer.

5. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw­ at pagbawas sa bad breath.

6. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.

7. Mabuti sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo.

8. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ng lakas ang pakwan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla ng ating katawan. 

9. Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansiyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.

PAKWAN

US DEPARTMENT OF AGRICULTURE

WATERMELON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with