^

PSN Opinyon

Basura mula Canada panghuli na dapat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LEKSIYON hindi lang sa Canada kundi sa lahat ng mauunlad na bansa ang pagpapahiya ng Pilipinas sa itinambak na basura rito nu’ng 2013.

Labag sa international law magtapon ng basura ang isang bansa sa iba. Panganib sa kalusugang publiko ang hazardous waste dahil may nakalalasong kemikal o nakahahawang sakit, at lalo kung may nuclear radiation ang basura.

Ganunpaman, naglagak ang Canada ng tone-tonela­dang nabubulok at umaalingasaw na basura sa 126 cargo containers at itinawid sa Dagat Pacifico. Binayaran ang isang kompanyang Pilipino, na siya namang nanuhol sa gobyerno sa Pilipinas para tanggapin ang kontrabando. Inabandona ito sa pier sa Manila nang hindi nagbayad ng buwis at demurahe. Sa madaling salita, nilapastangan ang Pilipinas.

Hindi lang Pilipinas ang ginawang basurahan ng maya­yamang bansa. Simula dekada-1980, nang maghigpit ang Kanluran sa electronic waste, itinambak ito sa mahihirap na pook sa China. Sa baryo ng Guiyu, halimbawa, sa gilid ng mayamang siyudad ng Guangzhou (Canton), ay nag-export sila taun-taon ng milyong napaglumaan at sirang computers, tablets, cell phones, calculators, transistors, resistors, at chips. Malugod itong tinangggap ng baryo dahil nire-recover mula sa electronic waste ang mga precious at rare earth metals. Nire-recycle at binebenta ito sa mga indus­triyang telecoms, sasakyan, at armas sa China. Pero sa ano’ng kapalit? Daan-daang libong mamamayan ang nagkasakit sa utak, balat, baga at ibang lamanloob dahil sa toxins, asbestos, at lead (tingga).

Isa ring pinagsamantalahan ang mahirap na Somalia sa eastern Africa. Sa karagatan nito, bahagi ng Indian Ocean, ibinagsak ng Kanluran ang nuclear waste mula power reactors. Drum-drum nito ang basta na lang ibinagsak sa laot, kasama ang cadmium at mercury. Nagalit ang Somalian warlords sa gobyerno nila. Naggiyera-giyera sila. Nalasog ang bansa. Naging mga pirata ang walang hanapbuhay.

vuukle comment

HAZARDOUS WASTE

NTERNATIONAL LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with