^

PSN Opinyon

Kontrahin ang HIV/AIDS; pag-usapan pa ang sex

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PARAMI nang paraming kabataan sa mayayamang bansa ang umiiwas sa sex, ayon sa saliksik. Dumoble sa 23% nitong dekada ang mga edad-18 hanggang 29 sa America na hindi nakipagtalik sa nakaraang 12 buwan. Nakakagulat, dahil taliwas sa ibang trends. Bawas na ang mga balakid sa sex. Hindi gaanong relihiyoso ang kasalukuyang hene­rasyon. Tanggap ang iba’t ibang oryentasyon: lesbian, gay, bisexual, transgender at queer. Mas bukas sila sa pagtikim. Madali ang porn sa smartphones.

Maraming nakitang rason sa “sex recession” o bawas-sex kumpara sa “free love” ng dekada-1960 at “casual date sex” ng -1990. Abala ang millennials sa hanapbuhay, umiiwas magpatali sa kasal o live-in, lulong sa social media at videogames, karamihan ay nakikitira sa magulang, mas em­powered ang kababaihan, at bulol sa pakikipag-kapwa.

Pangunahing inaamin ng kabataan na bukas naman sila na malalimang pag-usapan at saliksikin ang talik, romansa­, pag-date. Kumbaga, bawas ang hang-ups, obsession, at maling pananaw sa sex.

Kung meron dapat kopyahin ang Pilipinas sa America, ‘yon ang pagkabukas-isip. Sa paglilihim ng paksa, natutukso ang mga bata, nahuhulog sa mali, at napapahamak. Maaring hindi makabalik sa tama.

Bagama’t hindi epidemya ang acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa Pilipinas, lumalala ito. Hindi aabot sa 0.1% ang may human immune deficiency (HIV), pero 25% ang idinami ng nahawa nu’ng 2001-2009. Isa ang Pilipinas sa pitong nakakaalarmang bansa.

Karamihan ng Pilipinong may HIV/AIDS ay mula sa pagta­talik ng lalaki sa lalaki – 10 beses ang itinaas nito mula 2010. Mahigit 1,000 bagong kaso ang natutuklasan buwan-buwan. Nito lang Enero- Pebrero, 692 sa kanila ay kabataan, edad 15-24. Sa mas malimit na usapan tungkol sa talik -- at safe sex -- makokontra ang paglala.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

HIV/AIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with