^

PSN Opinyon

Kaibigang kidnaper

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huli sa 2 bahagi)

IBA ang bersiyon ni Tony sa kanyang depensa. Tumestigo siya na kilala niya si Arthur mula pa noong nagpapagawa siya ng mga sirang gamit sa kanyang bahay. Nang araw na nangyari ang insidente, nakatanggap daw siya ng sulat kay Manoling. Nagpapahanap ang kaibigan ng mason na gagawa ng pundasyon ng poso ng tubig. Papunta kay Manoling ay nakita niya si Tito at inalok sa lalaki ang trabaho. Pumayag si Tito kaya dalawa silang pumunta sa bahay ni Manoling.

Nang makarating sila, wala sa bahay si Manoling at ang asawa nito. Pagdating ng mag-asawa, nakiusap sila sa dalawa na maglinis sa paligid. Nakatapos sila bago maghatinggabi at nag-umpisang mag-inuman. Habang nagkakasayahan, may narinig silang ingay na nagmumula sa kabilang bahay. Pumasok sa loob ng bahay sina Tony at Tito samantalang kinuha naman ni Manoling ang kanyang baril. May nakita silang taong nasa tuktok ng puno at dahan-dahang bumababa.

Pinagbabato nila ang tao. Pagkatapos ay umalingawngaw ang putok ng baril. Pinaputukan na pala ni Manoling ang lalaki. Si Arthur pala. Inutusan sila ni Manoling na magbantay. Umalis si Manoling at hindi na bumalik. Inimbitahan sina Tony at Tito ng mga pulis sa ospital para kilalanin si Arthur. Pagkatapos ay kinasuhan na sila ng kidnapping and serious illegal detention.

Matapos ang paglilitis, hinatulan sila ng kamatayan. Naki­pagsabwatan daw sila kay Manoling para magawa ang krimen na kidnapping and serious illegal detention with ransom.

Sa awtomatikong pag-aaral ng Supreme Court sa kaso, ipinilit nina Tony at Tito na walang katotohanan ang sinasabing paghingi ng ransom money o perang pantubos. Ang tunay na gusto lang daw ni Manoling ay mapilit si Arthur na bayaran nito ang pagkakautang.

Ayon sa SC, kahit pa ang totoong hangarin ni Manoling ay pagbayarin lang si Arthur sa pagkakautang nito, ang krimen pa rin na kanyang ginawa ay kidnapping with ransom. Sa ordi­naryong salita, ang ransom ay maituturing na pera, pabuya o kahit anong konsiderasyon na hinihingi ng kidnapper para pakawalan ang kanyang dinukot na biktima. Pambayad kapalit ng paglaya ng kanyang hinuli kaya ransom pa rin itong maituturing sa ilalim ng batas. Anuman ang motibo kung bakit nila ito ginawa. Hindi rin mahalaga kung nabayaran ang ransom o kung natanggap man ito ng mga kidnapper.

Pero hindi magkapareho ang pananagutan nina Tony at Tito kay Manoling para sa krimen. Hindi naman kasi napatunayan ng walang pag-aalinlangan na nagkaroon ng sabwatan o conspiracy. Sa kasong ito, hindi rin napatunayan na may alam ang dalawa sa masamang layunin ni Manoling dahil wala silang pinagkasunduan na gagawin ang krimen.

Ang tanging naging partisipasyon nina Tony at Tito ayon na rin sa salaysay ni Arthur ay sa pananakit sa kanya at ang pagsunod sa utos ni Manoling na kunin sa pinagkasunduang tagpuan ang perang pantubos na hinihingi ni Manoling.

Pero dahil nga tumulong pa rin sina Tony at Tito sa pagsasagawa ng krimen dahil sa kanilang ginawa bago at habang nangyayari ito, parurusahan sila bilang mga accomplice at ang hatol sa kanila ay mas mababa ng isang degree o reclusion perpetua (People vs. Castro, et. al., G.R. 132726, July 23, 2002).

KIDNAPPING

WITNESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with