^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itaas din ang tax ng e-cigarettes

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itaas din ang tax ng e-cigarettes

INAPRUBAHAN na ng House of Representatives at Senate ang batas na nagtataas ng P45 na buwis sa sigarilyo sa Enero 1, 2020. Pagsapit ng Enero 2021, magiging P50 ang buwis; Enero 2022, P55 hanggang maging P60 bawat pakete sa 2023. Lagda na lamang ni President Duterte ang hinihintay sa ipinasang batas. Maaari umanong malagdaan ng Presidente ang batas sa susunod na linggo sapagkat noon pa niya ito hinihiling na maipasa.

Sa pagkakapasa ng batas na nagtataas sa buwis ng sigarilyo, tiyak nang tataas ang presyo ng siga­rilyo at walang ibang tatamaan kundi ang mga nagyoyosi. Kung ngayon ay P5 ang bawat stick, maaaring sa susunod na taon ay magiging P10 na ito dahil sa pinataw na tax. Taun-taon ay magtataas ang presyo dahil sa tax. Baka sa 2023 ay maging P15 o mahigit pa ang isang stick ng yosi.

Bagama’t may mga nagsasabi na kahit gawin pang P100 ang isang stick, marami pa rin ang maninigarilyo dahil sugapa na, malaki pa rin ang maiba­bawas sa mga naninigarilyo. Sa isang pag-aaral, mula nang itaas ang buwis sa sigarilyo ilang taon na ang nakararaan, malaking porsiyento rin ang nabawas sa mga naninigarilyo. Piniling tumigil na lang sa bisyong pagyoyosi dahil hindi na kaya ang presyo.

Mula nang itaas ang tax sa yosi, lumutang naman ang electronic cigarette o vape at dito naman lumipat ang mga tumigil sa paninigarilyo. Ayon sa report, mas mababa ang pinapataw na tax sa e-cigarette. Umaabot lamang sa P10 ang tax sa bawat 10 milliliters ng substance na ginagamit sa e-cigarette. Dahil mababa ang tax, naglutangan ang maraming establishment na nagbebenta ng vape. Kahit saang sulok ay may mga shop ng vape at kinahuhumali­ngan ng mga nag-quit sa yosi.

Ayon sa Department of Health (DOH), wala pang scientific proof kung harmless ang e-cigarettes at hindi nila ito maipapayo na gamitin ng mga nag-quit sa yosi. Pinag-aaralan ng DOH na iregulate ang e-cigarettes. Ayon pa sa report, isang malaking kompanya ng vape ang itatayo sa bansa sa susunod na buwan.

Itaas ang tax sa e-cigarette na halos tulad din ng sa sigarilyo para ma-discouraged ang iba na guma­mit nito. Kung mataas ang tax, sino pa ang magpo-promote nito. Huwag itong tangkilikin sapagkat masama rin sa kalusugan.

TOBACCO TAX BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with