^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Giyerahin’ mga bansang magtatapon ng basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - ‘Giyerahin’ mga bansang magtatapon ng basura

KINUHA na ng Canada ang kanilang basura noong Biyernes. Anim na taon ding nakatambak ang basura sa bansa bago nila kinuha. Pero kumilos lang ang Canada nang magbanta si President Duterte na “gigiyerahin” ito. Binigyan ng taning hanggang Mayo 15 para kunin ang basura pero hindi natupad. Sa galit ng Presidente, pinauwi niya sa Pilipinas ang mga diplomat at consul. Saka pa lamang kumilos ang Canada at kinuha rin ang kanilang basura na kinabibilangan ng household at hospital wastes.

Kailangan lang pala ay bantaang gigiyerahin para mapuwersang kunin ang kanilang basura. Tama lang ito para matauhan ang sinumang bansa na magtatapon ng kanilang basura. Kailangang umal­ma at lumaban ang mga bansang pinagtatapunan ng basura. Huwag matakot kung ang nakataya na ay ang pagkakakasakit ng mamamayan at pagkasira ng kapaligiran dahil sa mga basurang toxic na galing sa mayayamang bansa.

Sa isang report, hindi lamang pala ang Pilipinas ang nakatatanggap ng mga basura mula sa mga mayayamang bansa kundi maging ang Malaysia at Indonesia. Ayon sa report, daang container van ng basura na kinabibilangan ng hospital at household wastes ang dinadala sa Malaysia at Indonesia. Nagra-rally din sa Malaysia para labanan ang mga nagtatapon sa kanila ng basura.

Ang Pilipinas ay naging suki na ng mga maya­yamang bansa para pagtapunan ng basura mula pa noong 2013. Una ang Canada na nagtapon ng 106 containers. Kamakailan lang, nadiskubre na ang mga basura mula Australia at Hong Kong ay dinala sa isang port sa Mindanao. Sabi ng Customs, ang basura ng Australia ay gagamitin daw ng isang cement company sa Mindanao pero itinanggi ito ng kompanya. Nagdala rin ng basura ang South Korea pero nagkusa silang ibalik sa kanilang bansa.

Mas maganda kung magkakaisa ang mga bansa sa Southeast Asia na labanan ang mga bansang mayayaman na nagtatapon ng basura. Magdeklara ng giyera laban sa kanila gaya ng ginawa ni Duterte. Huwag pumayag na pagtambakan ng basura ang Pilipinas. Labanan ang mga bansang salaula!

CANADA TRASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with