^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunud-sunod na trahedya sa kalsada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sunud-sunod na trahedya sa kalsada

NOONG nakaraang linggo, isang pampasahe-rong jeepney ang nahulog sa bangin sa Libon, Albay na ikinamatay ng walong pasahero at ikinasugat ng 18 iba pa. Karamihan sa mga biktima ay nanggaling sa school at nakiisa sa Brigada Eskuwela. Hinagpis na hinagpis ang mga kaanak ng biktima. Nawalan umano ng preno ang jeepney habang palusong sa kalsada.

Kahapon ng umaga, binangga ng isang trailer truck ang isang pampasaherong bus sa Atimonan, Quezon na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat     ng 73 iba pa. Nawalan umano ng preno ang trailer truck at bumangga sa kasalubong na bus. Kapwa namatay ang driver ng truck at bus at isang pahinante.

Kapag nagkakaroon nang malagim na aksidente sa kalsada, ang laging dahilan ay nawalan ng preno. Laging ganito ang sinasabing alibi. Marami nang nangyaring trahedya sa kalsada at lahat ay isinisisi ang nasirang preno. Karaniwang truck, jeepney at bus ang nawawalan ng preno at inaararo ang mga kabahayan sa gilid ng kalsada. Damay ang mga walang kamuwang-muwang na residente sa pagkawala ng preno ng mga dispalinghadong sasakyan.

Sa nangyaring trahedya sa Libon, Albay, tala-gang mawawalan ng preno ang jeepney sapagkat sobrang luma na ito. Sa sobrang luma, hindi na kakagat ang preno at talagang bubulusok sa bangin. Nakadagdag sa pagkasira ng preno ang pagiging overloaded ng jeepney. Nagahaman sa pasahero ang drayber kaya kahit sobra na ay isinakay pa.

Sa aksidente sa Atimonan, tumatagilid na umano ang trailer truck dahil sa rami ng karga pero ibiniyahe pa rin. Luma na rin ang truck pero pinagkakakitaan pa ng may-ari. Sa pagkagahaman, idinamay pa ang mga walang malay na pasahero ng bus.

Nasaan na ang kampanya ng pamahalaan na wawalisin na sa kalsada ang mga lumang sasakyan lalo na ang mga jeepney. Bakit biglang nawala ang sigasig ng pamahalaan ukol dito? Nasaan na ang jeepney modernization? Bakit marami pa ring bulok na pumapasada.

Walisin ang mga lumang sasakyan. Huwag nang dagdagan pa ang mga namamatay dahil bumangga at nahulog sa bangin sapagkat nawalan ng preno. Hindi na dapat hayaang yumaot sa kalsada ang mga sasakyang mistulang kabaong na dinadala sa hukay ang mga pasahero.

BRIGADA ESKUWELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with