^

PSN Opinyon

Labandera ko

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KADALASAN na nagtatrabaho bilang katulong sa bahay ang isang labandera. Ang inaasikaso niya ay ang kapa­kanan ng pamilyang pinagsisilbihan. Sa kasong ito, ang labandera na itago natin sa pangalang Annie ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya, ang AMCI at may mga staffhouse o pabahay sa kanilang trabahador. Ang isyu rito ay kung ano ang turing kay Annie, isa pa rin ba siyang katulong o isang regular na empleyado ng kompanya?

Tinanggap ng AMCI si Annie bilang labandera sa staffhouse nito sa Mindanao. Sa umpisa ay pakyaw o kada piraso ang bayad sa kanya pero pagkatapos ng siyam na taon ay binabayaran na siya ng P250 kada buwan hanggang umabot pa ng P575.

Matapos magtrabaho sa kompanya sa loob ng 15 taon ay aksidenteng nadulas si Annie at tumama ang likod niya sa bato habang nagsasampay ng labada. Dahil hindi­ matatapos ang kanyang trabaho ay ipinaalam niya sa kanyang bisor ang nangyaring aksidente at tuloy sa personnel officer para payagan siya na lumiban sa trabaho at magpagamot. Para magbitiw sa trabaho ay inalok siya ng P2,000 na dinagdagan pa ng AMCI hanggang umabot ng P5,000 pero hindi niya tinanggap. Mas ginusto ni Annie na bumalik sa trabaho pero ayaw siyang pabalikin ng AMCI at matapos ang dalawang buwan ay tuluyan pa nga na sinibak sa trabaho.

Ang ginawa ni Annie ay humingi ng tulong sa DOLE. Matapos magsumite ng kanya-kanyang position paper ang magkabilang panig ay nagdesisyon ang Labor Arbiter pabor kay Annie. Pinababayaran sa AMCI ang kulang sa suweldo at iba pang benepisyo ni Annie pati separation pay sa kada taon niya ng serbisyo na umaabot ng P55,161.42.

Gumawa ng petisyon ang AMCI sa Supreme Court at pilit inilalaban na dapat na kasambahay ang trato kay Annie­ at hindi isang regular na empleyado na may karapatan sa lahat ng benepisyong ibinigay ng Labor Arbiter ng DOLE.

Pero ibinasura ng SC ang petisyon. Ayon sa SC ay iti­nuturing na katulong o kasambahay ang isang tao, maging lalaki o babae, kung siya ay nagtatrabaho sa isang pamilya at ang pangunahin niyang gawain ay siguraduhin na kumportable at maayos ang lagay ng pinagsisilbihang pa­milya. Sakop ng batas (Rule XIII, Section 1 (b), Book 3 Labor Code) ang mga house boy, hardinero, family driver, yaya, labandera at iba pa na may katulad na trabaho.

Hindi puwedeng maging kabilang sa nasabing interpretasyon ng batas ang isang labandera na tulad ni Annie na nagtatrabaho sa staff house ng kompanya. Ang pinagsisilbihan ni Annie ay ang mga bisita at iba pang nakatira sa staff house. Ang pinagkaiba ng dalawa ay nagsisilbi ang isang labandera para lang sa tahanan ng isang pamilya pero sa sitwasyon ni Annie, nagtatrabaho siya sa staff house na nasa loob ng lupang pag-aari ng isang kompanya, single proprietorship o negosyo na kabilang sa industriyang agrikultural o kapareho nito. Sa kaso ni Annie ay isa siyang empleyado na may karapatan sa lahat ng pribilehiyo ng isang regular na empleyado ng kumpanya. Dahil sa aksidente na nangyari habang nasa trabaho siya ay hindi na siya nakapagtrabaho at tinanggal pa sa serbisyo. Tama lang na bigyan siya ng karampatang benepisyo bilang isang regular na empleyado ng AMCI tulad ng separation pay dahil mukha naman na hindi na siya interesadong ibalik pa sa trabaho dahil nga sa nangyaring aksidente (Apex Mining Co. Inc. vs. NLRC and Candido, G.R. 94951, April 22, 1991).

HOUSEMAID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with