Mahalagang payo tungkol sa lifestyle diseases
MAY mga payo akong inihanda para mapangalagaan ang iyong katawan. Sundin natin ito:
Payo sa mga sakit:
1. Gamutin ang high blood pressure o altapresyon. Umiwas sa komplikasyon ng high blood tulad ng atake sa puso, paninikip ng dibdib, pagpalya ng puso, stroke, paglabo ng paningin at pagkasira ng kidneys. Kung kayo ay may mataas na presyon, kumunsulta sa doktor.
2. Alagaan ang iyong kidneys at umiwas sa impeksyon sa ihi o UTI. Una, bawasan ang alat sa iyong pagkain. Pangalawa, uminom ng 8 basong tubig bawat araw. Ito ang kailangan mo para malinis ang iyong katawan.
3. Mag-ingat sa diabetes at mga kumplikasyon nito. Limitahan ang matatamis na pagkain at inumin tulad ng cakes, ice cream, soft drinks at iced tea. Piliin lamang ang pag-inom ng tubig. Hindi nakatataba ang tubig at nakalilinis pa ito ng katawan.
4. Diabetes ay huwag pabayaan dahil nakamamatay. Kung ikaw ay may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umiihi, o namamayat, magpa-check up sa doktor. Lalo na kung may lahi ng diabetes, ipa-check ang iyong asukal sa dugo o fasting blood sugar. Kapag lampas ito sa 126 mg/dl, ibig sabihin ay may diabetes ka na.
5. Magpa-check up sa doktor kapag ikaw ay (1) edad 40 pataas, (2) may lahi ng diabetes, high blood, sakit sa puso o stroke, o (3) may sintomas na nararamdaman.
Payo sa tamang pamumuhay:
6. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng wrinkles at pagkatanda. Iwasan ito.
7. Bawasan ang kanin na kinakain. Sundin ang Healthy Food Plate. Hatiin ang plato sa apat na parte. Isang parte lang ang kanin. Isang parte ang para sa isda o karne. At 2 parte para sa gulay at prutas. Tandaan: Damihan ang gulay at bawasan ang kanin. Iyan ang sikreto para makuha ang sapat na bitamina bawat araw.
3. Ingatan ang iyong ulo. Magsuot ng helmet kung nagmomotorsiklo. Huwag hayaang mauntog o masuntok ang iyong ulo.
4. Protektahan ang iyong mga mata. Huwag tumitig sa maliwanag na bagay tulad ng araw, ilaw at bombilya. Nakasisira ito ng mata.
5. Magtimbang ng regular. Alamin ang iyong tamang timbang para malaman kung kayo ay overweight. Heto ang lista ng tamang timbang batay sa edad, taas at kasarian.
- Latest