^

PSN Opinyon

Pasaherong nireklamo ng Grab driver sa BITAG, trending sa YouTube!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING netizens ang nabuwisit sa inasal ng babaing­ pasahero na inireklamo ng grab driver sa BITAG, Ang Pam­bansang Sumbungan. 

Tinawag siyang kawatan ng mga nakapanood ng videong­ naka-upload at kasalukuyang trending ngayon sa YouTube. Simpleng tanong lang kasi ng mga BITAG Investigators, “bakit mo kinuha/dinala ang bag na hindi sa’yo”, hulog tuloy siya sa bitag ng kahihiyan.

Ang babaing nirereklamo na si Jessamyn de Vicente, may-ari ng Cohen Global Maritime. Nadismaya ang mga nakapanood dahil imbes sagutin ang simpleng tanong, hinamon pa ang mga nagrereklamo na magsampa na lang ng kaso.

Ang sumbong, naiwan ng seaman na pasahero ang isa sa kanyang bagahe sa Grab car na kanyang sinakyan. Naglalaman ito ng kanyang mga dokumento at P70,000.

Ang sumunod na pasahero ng Grab car, si De Vicente­. Kuwento ng Grab driver, binuksan at kinalkal ni De Vi­cente ang bagahe kahit na sinaway na niya ito’t sinabihang h’wag pakialaman.

Sumbong pa ng driver, hindi siya pinakinggan ng babae at sinagot pa siya nitong siya na ang magdadala at magsosoli ng gamit sa may-ari. Nakiusap daw si Mamang­ driver na huwag kunin ang bagahe subalit hindi siya pina­­kinggan ni De Vicente.

Sa salaysay naman ng seaman na may-ari ng bagahe, tinawagan siya ni De Vicente at sinabing kunin ang kan­yang gamit sa opisina nito. Pagdating sa opisina, ng inspeksiyunin niya ang gamit, kulang ng P39,000 ang perang nasa kanyang bagahe.

Hindi nagbibintang ang BITAG, kaya nga kami kumatok sa tanggapan ni De Vicente kasama ang mga nagre­reklamo. Ito’y para makuha ang kanyang panig at pag-usapan sana ang solusyon sa problema.

Ang siste, imbes humingi ng pasensiya sa seaman na nawalan ng pera na sana’y pang-tuition ng kanyang mga anak, naghamon pa ito at ang kanyang abogado na magkita-kita na lang sa korte. Saka pinalayas ang mga BITAG Investigators at mga nagrereklamo sa kanilang opisina.

Sa videong naka-upload sa BITAG Official YouTube channel, may dalawang tumo-troll sa comment section at ipinagtatanggol si Jessamyn de Vicente. Kesyo mayaman daw ito at asawa ng kapitan ng barko.

Kundi ba naman obob kung sinuman ang mga ito, noong nasa opisina nila ang BITAG at mga nagrereklamo, sa harap ng aming camera ay di sumagot ng maayos. Pagdating sa comment section namin sa YouTube saka ipinagtatanggol ang kanilang kampo, ayun kinukuyog sila tuloy ng netizens.

Panoorin n’yo na lang ang buong segment sa BITAG Official YouTube channel, may pamagat na “Abogado, pinalayas ang BITAG! (Grab incident)”

GRAB DRIVER

PAM­BANSANG SUMBUNGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with