^

PSN Opinyon

Penitensiya ngayong Mahal na Araw

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMI sa atin na nakakalimutan na ang Diyos. Hindi man lubos pero naaalala lang natin tuwing dinadatnan tayo ng mabigat na problema o kung may kalamidad na dumating. Di ba ang usal ng bawat isa sa atin ay “Diyos ko” iligtas mo po sana kami. Di man natin kayang aminin ngayon pero yan ang katotohanan.

Noong ako’y bata pa may isang kuwentong hindi ko malimutan. May isang batang naghuhukay sa tabi ng dagat, habang naglalakad si St. Augustine napansin ng bata at tinanong ito. Ano ang ginagawa mo? Ang sagot ng bata gumagawa po ng butas upang ilagay ang tubig­ dagat, at muling sumagot ang kausap. Imposibleng mang­yari ang iniisip mo sapagkat hindi kasya ang tubig ng dagat sa butas na ginagawa mo.

Nagpatuloy sa paglalakad si St. Augustine at siya ay nagdarasal. Ilang sandali ang lumipas at lumingon ito sa kanyang likuran at wala na roon ang batang naghuhukay. Sa kuwentong ito walang imposible pagdating sa pana­nampalataya natin sa Diyos. Manalig lang tayo sa Kanya at susuklian tayo ng sobra pa sa ating inaakala.

Sa panahon ngayon, bago pa sumapit ang Mahal na Araw ay may kanya-kanya na tayong plano. Merong uuwi sa kanilang mga probinsiya at doon gugunitain. Meron ding nag-a-outing karamihan dumarayo sa mga beach dahil nga sa init ng panahon nating nararanasan ngayon. Meron ding mga namamanata na dumarayo sa malalayo at mga sinaunang simbahan at meron ding sa bahay na lang.

Sana kahit saan pa man tayo mapadpad ngayong Mahal na Araw huwag sana nating kalimutang magdasal. Ha­limbawang nag-outing, maghanap ng simbahan o ka­pilya upang makapagnilay-nilay. Para sa akin, maha­laga ito suklian naman natin ang ginawa ng ating Panginoon. Tinubos niya ang ating mga kasalanan. Gumawa tayo ng pansariling penitensiya para sa ating mga sarili.

MAHAL NA ARAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with