^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag kalimutan ang kagitingan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag kalimutan  ang kagitingan

MARAMING namatay na mga Pilipino at Amerikano sa Bataan bago pa ito bumagsak sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. At para mapigilan pa ang pagkalagas ng mga sundalo, mas pinili ng American commander na si Gen. Edward King na sumurender kahit pa mahigpit ang utos ng kanyang mga superiors na huwag sumuko at patuloy na lumaban.

Tama lamang ang naging desisyon ni King na sumuko na sapagkat wala nang magagawa pa. Masyadong malakas at marami ang mga Hapones na mapa-lupa, mapa-dagat at himpapawid ay sumasalakay. Dahil dun, maraming namatay at iyon ang iniwasan ni King kaya minabuting sumuko. Ayon sa report, nasa 76,000 sundalong Pinoy at Amerikano ang sumuko.

Pero hindi roon natapos ang kanilang paghi­hirap sa kamay ng mga kaaway sapagkat pinagmartsa pa sila nang napakalayo at sa gitna pa ng nakapapasong init ng araw. Mula Mariveles, Ba­taan hanggang Capas, Tarlac ay pinagmartsa sila at sa daan pa lamang ay marami nang namatay sa uhaw, gutom at sakit. Ang mga hindi na maka­gulapay sa matinding hirap ay binabayoneta na lamang ng mga Hapones at hinahayaang mamatay sa daan.

May isang nakalulunos na kuwento na may isang grupo ng mga sundalong Pilipino na inihiwalay ng mga Hapones sa mga nagmamartsa at walang awang pinagpapatay ang mga ito. Umano’y nasa 300 o 400 ang mga sundalong walang awang pinatay at hindi malaman kung saan na napunta ang kanilang mga bangkay pagkaraang imasaker. Walang makapagsabi at walang pagkikilanlan sa mga ito.

Ngayong Araw ng Kagitingan, hindi sana malimutan ang kabayanihan ng mga Pilipinong nagpakamatay para sa bayan. Sila ang mga tunay na bayani. Sila ang nagbuwis ng buhay maipagtanggol lang ang bayan. Sila ang dapat ipagdasal sa gina­wang kabayanihan.

vuukle comment

ARAW NG BATAAN

EDWARD KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with