^

PSN Opinyon

Walang kalaban

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang campaign period para sa mga tumatakbo pagka-local officials sa kani-kanilang lugar sa buong Pilipinas para sa midterm elections sa darating na Mayo.

May ilang areas din  na unopposed yung mga tumatakbo gaya dito sa Davao City.

Virtually, walang mga kalaban and tatlong anak ni President Duterte sa kanilang mga tinatakbuhang puwesto.

Si presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio ay sumabak sa isang re-election na kung saan wala nga siyang kalaban din. Kung meron man hindi naman seryoso.

Si presidential son Paolo Duterte na dating vice mayor ng lungsod ng Davao ay pareho ring tumatakbong unopposed billing first district representative.

At ang bunsong anak na lalaki ni President Duterte na si Sebastian o  mas kilalang Baste ay wala ring kalaban sa kanyang tinatakbuhang puwesto bilang vice mayor.

At ang second at third district representative candidates na sina Vincent Garcia at Isidro Ungab, respectively, ay wala ring mga kalaban habang sila ay tumatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago party ni  Sara.

Parang wala nang election dito Davao City maliban na lang sa mga tumatakbong city councilors na may walo kada distrito at ang lungsod ay may tatlong distrito.

Mukha namang di-kaabang-abang ang midterm elections o local polls sa Davao City. 

CAMPAIGN PERIOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with