^

PSN Opinyon

Chinese Gen. Hospital, P32,000 na lang kulang, kinulong n’yo pa!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISANG pasyenteng nakakulong sa Chinese General Hospital ang humingi ng tulong sa BITAG Kilos Pronto. Hindi makalabas ang pobre dahil kulang ang perang pambayad sa ospital.

Ayon sa kapatid na nagpunta sa aming Action Center, Oktubre 2018 pa naka-admit ang kapatid niya dahil sa aneurysm. Anong petsa na ngayon, Marso na! Samakatuwid, ilang buwan ng nakatengga at nakatambay ito sa ospital. Ang pasyente, sa Chinese General Hospital na nag-Pasko at nag-celebrate ng birthday.

Matagal na raw silang sinabihan na puwede nang makalabas dahil magaling na ito pero ang siste, kailangan zero balance sa ospital bago makauwi. Kung saan-saan na nanghingi ng tulong ang pamilya na pambuno sa bayarin sa ospital. Kasama na rito ang iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Mantakin n’yo, ang DSWD naglabas ng P75,000; ang Office of the President, P45,000; ang PCSO, P13,000 at pera ng pamilya na P30,000.

Ang natirang utang na lang nila ay P32,000, hindi pa pinalampas. Anak kayo ng mga ijo de puto’t kutsinta, anong kadupangan ito Chinese General Hospital ha? Eto pang ginawa n’yo sa mga pobre, hinihingian n’yo ng kolateral na titulo ng bahay at lupa para makalabas na ang pasyente.

Tingnan n’yo ang the moves ng mga ‘to, tumawag ang BITAG-Kilos Pronto sa inyong tanggapan ilang oras bago kami umere upang makuha ang inyong panig. Ayaw makipag-usap ng pamunuan at kung sinu-sino pang pa-ngalan ang ginagamit n’yo na kesehodang kaibigan ang matandang utol ko.

Kahit presidente pa ng America tawagin n’yo, wala akong pakialam sa friendship friendship na ‘yan dahil hindi na makatao ang inyong ginawa. Nasa batas na bawal magde-tine ng pasyente buhay man o patay! At ano, habang kausap na namin ang direktor ng Department of Health sa ere ay nagpahatid kayo ng mensaheng lalabas na ang pasyente?!

Kung hindi pa kami nanghimasok malamang abutan pa ng kuwaresma, Flores de Mayo at masaklap Pasko ulit na itetengga n’yo ang pasyente sa loob? Pinalabas n’yo naman nga, pumayag kayong promissory note lang. Pero nakalagay sa pinirmahan ng pasyente na may tubo o penalty kapag nagmintis sila ng buwanang bayad sa inyo?

Chinese General Hospital, Thanks, but no thanks!

Uploaded sa aming Youtube BITAG Official at website bitagmedia.com ang full episode nito. Kung kayo’y may sumbong o reklamo, libre ang aming serbisyo-publiko. Huwag mahiyang lumapit sa pambansang sumbungan... BITAG-Kilos Pronto.

CHINESE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with