^

PSN Opinyon

Ang favorite ni Sara Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKAAALIW si Hugpong ng Pagbabago leader at Davao City Mayor Sara Duterte kapag nasa entablado at nanga-ngampanya para sa kanyang senatorial bets. Walang panama ang ilang standup comedian sa kanya.

Kahit miyembro pa ng kanyang bagong partido, “kini-kenkoy” niya sa entablado lalo pa’t kung medyo nakakatuwa ang kuwentong kinasasangkutan nito.

Pero maraming nakakapansin sa ipinamalas na respeto ni Mayor Sara  kay senatorial bet Bong Revilla. Siya mismo ang seryosong nangampanya sa dating Senador sa ika-82 pagdiriwang ng Araw ng Davao kamakailan. Si Mayor Sara din ang mismong nag-endorso kay Sen. Bong at nagtaas sa kamay nito sa isang pagtitipon ng Hugpong kamakailan.

Ganyan ang character ni Mayor Sara sa entablado. Wala siyang pakialam basta totoo ang kaniyang sinasabi ngunit kapansin-pansin na iba ang pagrespeto niya kay Sen. Bong. Espesyal din ang pagtrato niya kay Bacoor Mayor Lani Mercado na kapag may pagkakataon ay sumasama sa campaign caravan ng HNP upang magbigay suporta sa kandidatura ng mister. Hindi rin kinalilimutang banggitin ni Mayor Sara ang pangalan ni Bong sa lahat ng kaniyang talumpati.

Knowing Mayor Sara, kung nakakadalo kayo ng campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago, wala itong sinasanto para huwag biruin maliban kay senatorial Bong Revilla na halatang kanyang respetado.

Halimbawa , tinukoy mismo ni Mayora ang pangalan ng isa sa miyembro ng HNP na umano’y nanligaw sa kaniya pero binasted niya. Tawa siya nang tawa pagkatapos habang nanonood ang misis ng naturang kandidato. 

Isa ring bigating kandidato ng Hugpong ang biniro ni Mayor Sara dahil imbes daw na ito ang magligtas sa kanila sa balitang may bomba ay nauna pa umanong tumakbo sa takot.

Obserbasyon ng marami, gusto talaga ni Mayor Sara Duterte na manalo si Sen. Bong. Naniniwala siyang mabuti itong tao at maraming magagawa sa sambayanan matapos na mabasa ang mga inihanda nitong plataporma. 

Nakapaghain ito ng mahigit 600 panukalang batas sa Senado at 230 dito ay batas na ngayon. Ito’y tungkol sa education, health, agriculture at marami pang iba. 

Ibig sabihin achiever si Sen. Bong noong siya ay nakaupo pa bilang Senador, sana nga ay nasa mas mataas na posisyon na itong si Sen. Bong, kaso nakainggitan ng mga kalaban sa pulitika.

R SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with