Marami pa
SINABI ni Pres. Rodrigo Duterte na ang may 46 na pulitikong nadawit sa nasabing narco-list ng mga involved sa illegal drug trade ay ang mga unang nasampahan ng kaso sa Ombudsman at marami pang iba pa raw na papangalanan niya pagdumaan na ang listahan sa validation process.
Anang Presidente marami pang iba ngunit hindi pa nga niya pupuwedeng ibulgar dahil nga kailangan pa niyang i-validate pa nang maayos.
‘Yun namang naunang 46 na nasa listahan ay dumaan na nga raw sa masusing pag-usisa at monitoring sa loob ng tatlong taon simula nang naging Presidente si Duterte noong 2016.
Sa 46 na pulitiko sa naunang narco-list, may mga lumang pangalan na talagang sinasabing dawit nga sa illegal drug trade at may mga bago ring nakalista na hindi nga maintindihan kung paanong naging sangkot sa illegal drugs.
Isiniwalat ng Presidente ang listahan noong isang gabi sa National Peace and Order Council Meeting na ginanap dito sa Arcadia Events Center sa Davao City may isa at kalahating buwan bago pa ang May elections.
Hindi nga lang malaman kung kailan muling ilalabas ni President Duterte and panibagong narco-list.
Kaabang-abang din ang pangalawang narco-list dahil nga roon makikita ang mga sinasabing bagong players sa illegal drug trade sa bansa.
Sinasabi nga ng Presidente na sa pagkakataong ito ay talagang maging mas “ruthless” na siya sa kanyang laban kontra sa illegal na droga.
Abangan.
- Latest