^

PSN Opinyon

Tinuldukan na ang boundary system

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita para sa mga driver at konduktor na gawing reular na ang kanilang suweldo at paglampas ng oras ay may bonus pang overtime. Siguro naman yung mga balasubas na bus drivers na animo’y nakikipagha­bulan kay kamatayan ay mawawala na sa lansangan marami riyan lalo na yung mga bus na dumadaan sa EDSA. Dahil sa mga ganyang asal malimit nagreresulta ng aksidente.

Matagal ko nang sinabi ito sa aking nakaraang mga kolum na dapat gawin na lang regular ang suweldo ng bus drivers at karapatan din nilang magkaroon ng mga benepisyo para halimbawang naaksidente sila habang nagmamaneho ay merong paghuhugutan ng gastusin ang kanilang mga pamilya. Sa kabilang banda, suriing mabuti ng bus operators ang mga umaaplay na driver at konduktor sapagkat maraming impostor ngayon. Mahalagang malaman ang kanilang mga record dahil dito nakasalalay ang buhay ng kanilang mga pasahero.

Kung maala-ala n’yo maraming mga bus ang nasangkot sa aksidente na halos kalahati ng kanilang mga pasahero ay namatay, may mga nabalian ng buto at grabeng mga sugat. Kung ang driver ay suwerteng nabuhay ang palaging katwiran ay nawalan ng preno pero para sa akin meron ding driver error. Minsan nakakaidlip sila habang nagmamaneho, at puwede ring kalbo na ang kanilang mga gulong. Dapat regular ang inspection ng LTFRB sa mga bus. Maglibut-libot din kayo sa mga terminal hindi yung nakababad lang kayo sa mga inyong mga opisina.

Maraming drivers at konduktor ang matutuwa sa hak­bang na ito ng gobyerno. Sigurado ako kahit sino sa mga ‘yan, gani­tong sistema ang gusto. Hindi na nila kaila­ngang magmadali para makarami ng biyahe at puwedeng doble o triple na ang kanilang pag-iingat sa pagmamaneho na puma­pabor naman sa kanilang mga pasahero.

BOUNDARY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with