^

PSN Opinyon

Salawahang anak, kontrabida sa buhay ng ama!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BUMALIK sa aming action center ang asawa ng ni-rescue naming matanda sa Quezon City. Humihingi ng tulong dahil nakaratay sa ospital ang kanyang asawa at hindi makalabas.

Kung matatandaan ninyo, binawi ng aming grupo si Lolo Narciso at binalik sa kanyang tirahan sa Malabon. Nanawagan ang matanda na i-rescue siya dahil ayaw niya sa poder ng kanyang anak. Wala kasi siyang magawa o makausap man lang doon.

Problema naman ngayon ang patung-patong na gas­tusin sa pagpapagamot ni Lolo. Kulang sa pera ang mag-asawa at ayaw tumulong ng salawahang anak sa mga gastusin. Ipit ngayon sa ospital ang matanda.

Kinausap ko sa telepono ang inirereklamong anak. Nagbakasakali kaming mabago ang masama niyang puso.

Nagmatigas ang loko. Walang pakialam sa kapaka­nan ng sarili niyang ama. Nagbunton pa ng sisi sa kanyang stepmother. Gustong palabasin na kasalanan pa namin dahil ni-rescue si Lolo. 

‘Di na inisip na anumang oras ay puwedeng bumigay ang pobreng matanda. Napakamalas naman ni Lolo at ganito ang kanyang anak – bastos at matigas ang ulo.

Mabuti pa ang ibang mga kamag-anak ni Lolo, bukal sa puso ang pagtulong. Kaso nga lang, hinaharang naman nitong magaling na anak. Gusto yatang matuluyan ang ama niya, tapos ibubunton ang sisi sa stepmother.

Lahat tayo ay tatanda at darating sa punto na baba­wiin ng Panginoon ang buhay na ipinahiram sa atin. Hu­wag naman sanang sa paglisan ng ating mahal sa buhay, may baon pa itong poot at sama ng loob.

Pamilya lang din ang nagtutulungan sa oras ng panga­ngailangan. Inaruga tayo ng ating mga magulang; suklian natin ang pagmamahal at pag-aaruga nila sa atin.

Nakasaad sa Bibliya, Honor thy Father and thy Mother. That’s the fifth commandment. Para gumanda ang iyong buhay, galangin, sundin at alagaan ang mga magulang. Mahalin hindi patayin.

Nawa’y tumagos ito sa masamang puso ng anak ni Lolo Narciso. Habang ‘di pa huli ang lahat. Tapos kapag nawala na ang ama niya sa mundong ito, iiyak-iyak. Sisipain ko siya sa lalamunan.

BAHALA SI BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with