^

PSN Opinyon

Inpormasyon sa bakuna

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang pala sa Pilipinas dumami ang kaso ng tigdas. Ayon sa UNICEF, 10 bansa ang responsable sa 75 percent na pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas sa buong mundo noong nakaraang taon, kabilang ang Pilipinas. Nasa 98 bansa ang nag-ulat ng pagdami ng kaso ng tigdas noong 2018 kumpara sa 2017. Nakapagta­taka dahil may bakuna na matagal nang ligtas na ma­aaring maibigay sa mga bata. Milyong bata ang nabigyan na ng bakuna sa mga nakaraang taon.

Sa Pilipinas, ang isa sa maaaring dahilan ng pagdami ng kaso ng tigdas ay ang pag-aatubili ng ilang magulang na pabakunahan ang kanilang anak, dahil sa isyu ng Dengvaxia. Noong mga nakaraang taon, ginawan nang malaking isyu ang peligro ng Dengvaxia, at sinisi ito para sa pagkamatay ng ilang nakatanggap ng bakuna. Ayon sa DOH, wala pang matibay na ebidensiya na Dengvaxia nga ang sanhi ng pagkamatay ng ilang mga bata. Sa totoo nga, sa Pilipinas lang may kontrobersiya hinggil sa Dengvaxia, kahit ilang bansa ang gumagamit din nito. Pero dahil ginawan ng malaking isyu ng isang ahensiya pa nga ng gobyerno, maraming magulang ang maaaring natakot pabakunahan na ang kanilang mga anak, kahit ligtas naman ang bakuna para sa tigdas.

Iba naman ang dahilan sa ibang bansa. May malaking kilusan na kontra-bakuna. Sinisisi ang pagbabakuna sa autism, isang uri ng sakit ng bata kung saan hirap sila makipag-usap at magkaroon ng relasyon sa ibang tao. Sinisisi ng kilusan ang pagbabakuna, kahit wala ring matibay na ebidensiya para rito. Kumalat lang sa social media at tinanggap nang katotohanan nang marami. Ito ang mahirap kapag maling inpormasyon ang kumakalat, na tinatanggap kaagad nang hindi kinukumpirma.

Hindi problema ang sakit na tigdas noon. Hindi ko alam ang batayan ng mga kilusang kontra bakuna, kung napakaraming bata na nabigyan ng bakuna ay wala namang problema, at ligtas pa sa mga naturang sakit. Hindi dapat minamaliit ang sakit tulad ng tigdas. Maaaring mamatay ang bata. Kung sa Indonesia ay bumaba ng 65 percent ang kaso ng tigdas noong 2018, dapat nagagawa rin natin­. Dapat mas maganda ang pagkalat ng inpormasyon sa publiko na ligtas ang bakuna para sa tigdas.

MEASLES OUTBREAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with