^

PSN Opinyon

Free tuition law, bitin pa rin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MAGANDANG hakbang ng gobyerno na maging libre ang edukasyon para sa lahat. Basic right ng bawat tao ang pag-aaral.

 Ngunit habang libre na ang tuition at miscellaneous fees sa state universities and colleges (SUCs), hindi pa rin libre ang edukasyon sa private schools. Ito’y Kahit may batas na sa Free College education. Ito’y nagbibigay sana ng tsansa sa mga mahihirap ngunit deserving ng estud­yante sa Tertiary Education Subsidy (TES)

Kasi, Wala pa itong implementing rules o panuntunan sa pagpapatupad ng batas gayung matagal nang batas ito.

Wala pa ring memorandum of agreement sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) UNIFAST at mga pribadong higher educational institutions (HEIs).

Dapat na talagang plantsahin ang sistema para ma­pakinabangan ang batas ani Sen. Bam Aquino, principal sponsor ng batas sa libreng kolehiyo,

Kung mananatiling walang oportunidad ang mga ma­ralitang kabataan sa edukasyon, saan pupulutin ang Pili­­pinas? Ang TES ay isang mahalagang ayuda sa mga estud­­yanteng maralita para tustusan ang mga gastusin sa pag-aaral, tulad ng pagkain at libro. Kasama riyan ang gastos sa pag-aaral ng mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante na nais mag-aral sa pribadong kolehiyo at unibersidad.

Huwag nang magpatumpik-tumpik. Dapat madaliin ng CHED ang pagpapalabas ng mga panuntunan upang pakinabangan na ng lahat na dapat makinabang ang mabuting batas na ito. Tandaan, a nation of highly educated people will be the most progressive.

FREE TUITION LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with