^

PSN Opinyon

Prisoner of Love daw si Lolo, kaya nagpa-rescue kay BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAPAPANAHONG reklamo ngayong katatapos lang ng Valentine’s Day. Isang 98-years-old na lolo, nagpasaklolo sa BITAG Kilos Pronto. 

Tumakbo sa aming action center ang legal na asawa ni Tatay Narciso para humingi ng tulong. Ang pobreng lolo, kinukulong lang daw sa kuwarto ng anak nito sa unang kinasama.

‘Di kami interesado nung una dahil nasa pangangalaga naman ng anak ang matanda. Mukha namang ‘di siya pinag­mamalupitan at inaabuso. Pero sa pinakitang video ng asawa sa BITAG, nakita namin ang panawagan at kagustuhan ng matanda na makawala sa kanyang kinalalagyan. 

‘Di na kami nagpatumpik-tumpik. Kilos Pronto, nagsa­gawa kami ng rescue operation. Kasama ang barangay, social services ng Quezon City Hall at ng PNP, sinadya namin si Tatay Narciso. Umepal bigla ang manugang. Pati ang mga tao sa bahay, kinuwestyon ang aming pag-rescue. Wala naman silang palag kahit umatungal pa sila nang umatungal. 

Ang city hall na ang nagsabi, sa asawa dapat ang kustodiya at pangangalaga kay Lolo. Siyempre, hindi rin kami pa­payag na may herodes na eepal sa reunion nilang mag-asawa.  

Tuwang-tuwa ang matanda nang makita ang aming grupo. Daing niya, hindi siya masaya sa bahay ng kanyang anak. Parang wala rin siyang kasama dahil walang makausap. Eto naman kasing anak na hindi ko malaman ang laman ng kukote, kinuha ang kanyang Tatay tapos hindi naman pala maasikaso. Sumbong pa ni Tatay, dalawang beses siyang nahulog sa hagdan dahil wala siyang alalay.

Hindi na namin pinatagal ang pag-rescue. Nagtungo ang aming grupo sa barangay para maidokumento ang aming ginawa… tapos takbo na kami sa Malabon. Emosyonal si Lolo dahil natupad ang kanyang munting hiling. Kapiling na niya ang asawa at mga kapamilya. ‘Di tulad ng buhay niya sa Quezon City. Halos dalawang taon siyang nasa kuwarto lang at nag-iisa. Kahit magdilig ng halaman, wala. Literal na kain-tulog lang talaga. 

Kung tumagal pa ang estado ni Lolo sa ganun, baka makasama pa sa kanyang kalusugan. Mabuburyong at malulungkot. Matanda na’t ‘di na magtatagal ang buhay sa mundo… tapos ang buhay parang laging may patay.  

Uploaded sa aming official Youtube Channel ang buong segment na may title “98-yr-old love sick kay Lola, nagpa-rescue kay BITAG”. I-click lang ang aming channel, BITAG Official, para mapanood.

BAHALA SI BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with