^

PSN Opinyon

Kapag nasa bansa….

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TUMANGGAP ng parangal at medalya ang pulis na tinapunan ng taho ng isang babaing estud­yante mula China, dahil hindi pinapasok sa MRT. Bawal ang mga inuming ipasok sa MRT. Imbis na magwala sa babae, hindi na lang umimik. Nakunan ang nagkalat na taho sa katawan at braso ni PO1 William Cristobal, at nag-viral sa social media, kung saan binatikos nang husto ang babae. Mga pahayag na bisita nga lang, bastos pa. Si DFA Sec. Teddy Locsin lang yata ang minaliit ang insidente. Malakas ang panawagan na i-deport na ang Chinese mula sa bansa. May rekomendasyon na ang Bureau of Immigration na ideport ang Chinese. Malinaw na walang respeto sa mga Pilipino. Bakit kaya? 

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang iniisip ng Chinese. Karaniwan lang ba ang magtapon ng inumin sa mga pulis sa China kung hindi nila gusto ang mga alituntunin? O dahil isa siyang Tsino sa Pilipinas, kaya ang paniniwala ay dapat binibigyan siya ng prayoridad, dahil malapit ang pa­ngulo ng bansa sa China? Mabuti na lang at may mga pulis pa na katulad ni Cristobal, na 10 taon na ring pulis, na hindi basta-basta umaaksyon sa mga “nanlaban”, kahit taho nga lang.

At kung sasabihin ng Palasyo na “isolated incident” lang itong pambabastos sa Pilipino ng mga Tsinong galing Mainland China, isang lalaki naman ang arestado sa Pasay dahil sa pambabastos sa tatlong babae sa amusement park. Nasa loob ng horror house ang tatlong babae nang hawakan ni Zang Yang, 19, ang maseselang bahagi ng kanilang katawan. Akala siguro dahil madilim ay hindi siya makikilala. Agad pinaalam sa security ng amusement park, na inaksyunan naman para mahuli. Sa presinto, nag-alok na pag-usapan na lang, siguro nag-alok ng pera, para hindi na siya kasuhan. Mabuti at hindi pumayag ang tatlong babae.

Puwedeng bastusin, bayaran. Ito na ba ang paniniwala ng mga taga-Mainland China kapag nasa Pilipinas? Dapat mapagsabihan na kapag bisita sa bansa, galangin naman ang mga tao, at batas. Hindi lahat puwedeng idaan sa kabastusan at bayaran.

TEDDY LOCSIN

WILLIAM CRISTOBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with