^

PSN Opinyon

Jaile Zhang i-deport agad, tigilan ang pa-drama effect

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ANG ginawa ni Jaile Zhang, ang lady ‘taho’ thrower na nagsaboy at bumaboy kay PO1 Cristobal ay isang ma­laking insulto pero hindi lang sa kanya kundi sa madlang Pinoy at Philippines my Philippines!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ok lang kung humingi ng tawad si Zhang sa pulis porke may malaking kasalanan itong ginawa regarding sa ‘taho story’ na naging talk of the town ng buhusan niya ang pobreng alindahaw na naka-suot ng uniporme ng PNP.

Ika nga, malaking kagagahan ang ginawa ni Zhang kay Cristobal lalu na sa Philippines my Philippines.

Kaya’t dapat lang i-deport agad ito at itigil na ang pa drama effect ng mga sumasakay sa isyung ito. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ibang bansa binabastos ang madlang Pinoy pati ba naman dito sa sariling atin ay ‘bastusin’ pa rin tayo?

Naku ha!

‘Que Horror,’ ano ba ang tingin sa madlang Pinoy second class citizens?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga gumigitna pa kay Zhang?

Naku ha!

Ano ba ito ipatapon na si Zhang!

Abangan.

Tiu hulihin – Digong

BUTI at pinahuhuli na ni Boss Digong ang syota ng 19-year-old na bebot na natigok dahil sa party drug overdose noong January 20.

Sinasabing personal na tinawagan ni Boss Digong ang PNP Regional Director na sungkitin si Nel Spencer Tiu.

Si Tiu, ay syota ni Ashley Abad, na namatay matapos mag-collapse sa isang concert noong January 19 d’yan sa Cebu Business Park.

Deadbol ang bebot sa ospital matapos itong dalhin dito.

Base sa autopsy report si Abad ay namatay dahil sa ecstasy overdose.

Nagbigay ng kautusan si Boss Digong sa PNP matapos bisitahin ng una ang pamilya ni Abad last Thursday.

Hanggang ngayon ay hindi pa lumulutang si Tiu kahit na pinalalabas na siya sa lungga ng mga autoridad para magbigay linaw sa pagkamatay ng kanyang syota.  

Kaya naman mag-iisyu ng subpoena power  ang PNP para hulihin si Tiu?

Dapat lang!

Abangan.

Banatan na!

MUKHANG hindi papayagan ng local government ng Aklan na magtrabaho ang mga illegal foreign workers sa Boracay kaya balak nilang magbuo ng konseho tungkol dito para mapag-usapan nila nang masinsinan ang seryosong plano nila.

May mga ulat na maraming illegal foreign workers ang secretly, working sa mga hotels, tour sectors, construction services echetera.

Kaya dapat magsama-sama ang konseho, Bureau of Immigration at DOLE para dakmain ang mga illegal foreign workers.

Abangan. 

JAILE ZHANG

TAHO THROWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with