^

PSN Opinyon

Road users’ tax puwedeng paunlarin ang industriya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi sinalaula ng katiwalian, maganda sana ang pakay ng road users’ tax. Dinoble ang bayad sa rehistro ng sasakyan. Ang koleksiyon ay ipinangasiwa sa Road Board. Binubuo ito ng mga Secretaries ng Public Works and Highways, Finance, Transportation, Budget, Environment and Natural Resources, Economic Planning, at Energy. Nakakakolekta ng mahigit P20 bilyon taun-taon sa road tax. Dapat gastahin ang pondo para sa road safety, o kaligtasan sa kalsada. Sakop nito ang pagtam­bak sa lubak; pag-ayos ng sirang bangketa at manholes; at paglagay ng traffic lights, street lamps, directional signs at mga babala, cat’s eyes, pintura ng lanes, speed bumps, highway railings, emergency telephones; pagkontrol at panukat sa polusyon ng tambutso; atbp.

Problema nga lang, pinamunuan ng mga kawatan ang Road Board. Pinamahagi ang tig-P5 milyon lump sum kada taon sa mga kongresista, senador, gobernador, at mayor. Bahala na sila kumuha ng kontratista. Si­yempre pinili nila ang mga nagbibigay ng kickback na 30-55%. Samantala, kumomisyon din ang mga taga-Road Board sa malalaking proyektong pailaw ng kalsada. Nawaldas ang pondo.

Ngayon ipinabubuwag ni President Duterte ang bugok na ahensiya. Gagamitin na lang daw ang road tax sa mga nasasalanta ng bagyo, baha, at iba pa.

Sana kumbinsihin ng advisers si Duterte na gamitin pa rin ang road tax para sa mga proyektong pangkaligtasan. Kumbinsihin ang mga negosyante na mag-supply ng maiinam pero murang produkto -- na gawang Pilipino. Halimbawa, mga breath-alizer na pangtiyak kung naka­inom ang nagmamaneho. Isang libo lang ang gan’ung gadget ng Land Transport Office. Kulang na kulang. Labinlima ang namamatay araw-araw dahil sa drunk driving; sa Metro Manila 25 ang aksidente araw-araw. Kung gagawa ng gadgets atbp. sa Pilipinas, maraming mae-empleyo habang nagiging ligtas ang mga kalsada at biyahe.

vuukle comment

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with