^

PSN Opinyon

Fred Lim, tiyak na sa Maynila

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI mapigilan sa paghataw si dating Manila Ma­yor Fred Lim sa pag-abante sa kanyang mga kalaban sa politika ngayong nalalapit na ang May midterm election.

Muling sasabak si Lim sa politika para tumakbo sa pagka-alkalde ng Maynila at inaasahan ng mad­lang botante dito na mananalo sa eleksyon.

Sa survey ng SWS, umalagwa si Lim ng mala­king porsiento sa kanyang mga makakalaban kaya naman natutuwa na lamang ang dating alkalde ng Maynila dahil alam niyang hindi bibitaw ang mga madlang botante sa kanya lalo’t humihina ang kanyang mga katunggali sa madlang voters ng siudad.

Alam kasi ng madlang people sa Maynila kung anu-ano ang nagawang tulong ni Lim sa madlang people dito partikular sa mga mahihirap.

Gumawa ito ng anim na ospital na ikinalat sa 6 districts ng Maynila.

Sabi nga, libre gamot, check-up, doktor at iba pa!

Ika nga, walang nakagawa sa mga ginawa ni Lim sa Maynila.

Pilit itong ginagaya pero hindi magaya o magawa.

Bakit?

Ang mga taga-Maynila ang tanungin ninyo, sila ang magsasabi ng totoo para sa mga ginawa ni Lim! Abangan.

Sambayanan

ITO ay isang samahan na itinatag sa Mindoro upang magkaisa ang mga madlang people dito upang alamin, labanan at tuklasin kung ano talaga ang dahilan ng malimit na pagbaha sa Oriental at Occidental Mindoro.

Sabi nga, lagpas tao ang baha dito?

Sa pangunguna ni Ross Delgado isang IT Practi­tioner, ang SAMBAYANAN ay magiging “umbrella organization’’ ng mga samahan at organisasyon sa bawat bayan dito sa Mindoro.

Hinahangad ng Sambayanan na magkaroon ng isang solidong boses at matatag na paninindigan upang tapusin na ang pagwasak sa ating inang ka­likasan na nagiging dahilan ng malimit na pag­baha sa nasabing mga lalawigan na sumisira ng kabuhayan, pananim at ari-arian ng mga mama­mayan.

Nakikiisa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Sambayanan sa inyong mabuting layunin.

Sabi nga, tignan natin! Abangan.

Dr. Frank Gali ng VMMC

TAPOS na ang kaarawan ni Dr. Frank Gali, MD, MHA, MNSA, FPCS at assistant director dyan sa Veterans Memorial Medical Center, last Feb. 2 (Sabado) pero marami pa ring mga humahabol ng pagbati partikular ang mga beteranong natulungan nito habang nagpapagamot sa nasabing ospital.

Hindi biro ang nagpadala ng email na mga kai­bigan, kakilala at mga beteranong sundalo na tinu­lungan ni Dr. Gali yesterday para sabihin sa mga kuwago ng ORA MISMO, na batiin ito kahit belated ng Happy Birthday kaya naman pinagbigyan natin ang mabait na doktor.

Isa sa mga tumawag sa Chief Kuwago, si Niko Mohaggadam, nurse sa nasabing ospital para ipa­abot ang kanyang pagbati kay Dr. Gali.

Kaya nagulat tayo sa mga tumatawag, nag-e-email sa atin dahil hindi ito gagawin basta-basta ng nakakakilala kay Dr. Gali kung masama ang ugali nito.

“Dr. Gali, more Happy, Happy Birthdays to come!’

FRED LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with