^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Curfew sa minors hindi naipatutupad

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Curfew sa minors  hindi naipatutupad

IBINABA sa 12-anyos ang criminal responsibility. Binabatikos ito at sinasabing ibalik na sa dating­ 15-anyos dahil ang tatamaan lang daw nito ay mga mahihirap at hindi ang mayayaman. Kapag nagka­sala ang mayaman, makakalusot lang daw. Walang makapagsabi kung hanggang saan ang pagtatalo ukol dito.

Mas maganda kung paiigtingin ng pamahalaan o ng local government units (LGUs) sa tulong ng Philippine National Police (PNP) ay ang pagpapatupad sa curfew para sa mga menor-de-edad. Daming menor ang nagkalat sa kalye sa dis-oras ng gabi at wala nang ginagawa ang mga pulis sa mga ito. Sa umpisa lang naging mahigpit pero nang tumagal na, nag-ningas kugon na.

Mas nakaamba ang panganib sa mga bata na edad 9 hanggang 12 na nasa kalye pa sa dis-oras ng gabi. Sila ang nabibiktima at napapahamak at kina­kasangkapan sa kasalukuyan ng drug syndicates. Karaniwang ginagawang runner ng illegal drugs ang mga bata para hindi matunugan ng mga awtoridad. Maski ang mga estudyante sa high school ay pinagbebenta na rin ng marijuana.

Maski si Pres. Rodrigo Duterte ay nagsabi na talagang ginagamit ng drug syndicates ang mga bata. Ginagawa raw taga-deliver ng droga at tagakolekta pa ng bayad. Mayroon pa raw edad 6 ay ginagamit na ng sindikato.

Noong nakaraang taon, iniutos ng Presidente sa PNP na arestuhin ang mga menor-de-edad na kakalat-kalat sa gabi. Sabi niya dapat ay pangalagaan ang mga bata sapagkat ginagamit ng sindikato ng ilegal na droga. Ilagay daw sa kustodiya ng mga pulis ang mga batang ira-round-up. Ang gagawin daw ng mga pulis ay para sa kabutihan ng mga bata. Noong 2016, nagkaroon na rin ng ganitong paghihigpit sa mga kabataang kakalat-kalat sa kalye sa dis-oras ng gabi. Maraming kabataan ang nahuli at dinala sa presinto. Nang sunduin ng mga magulang, sinermunan ang mga ito ng mga pulis.

Subalit biglang nawala ang kampanya laban sa mga batang kakalat-kalat sa kalye. Muling umiral ang ningas kugon sa mga nagpapatupad ng batas, Kung maayos sanang naipasusunod ang batas ukol sa mga menor, hindi na kailangan ang pagtatalu-talo sa pagpapababa ng criminal responsibility. Kung walang batang gumagala sa kalye kung gabi, sino pa ang huhulihin at kakasuhan.

CRIMINAL RESPONSIBILITY

LOCAL GOVERNMENT UNITS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with