^

PSN Opinyon

Demokrasya umatras sa mundo nu’ng 2018

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG 1941 isang dosena lang ang demokratikong bansa; nu’ng 2000 walo na lang ang hindi nakakatikim ng malayang halalan. Sa demokrasya malinaw ang pagkakahiwalay ng estado at namumunong partido. Pero ngayo’y naglalaho ang dividing line. Mula nu’ng global financial crisis ng 2007-2008 umatras ang demokrasya sa mundo. Nawala ang checks and balances, at giniba ang oposisyon at mga malayang institusyon. Nahalal o nang-agaw ng poder -- at ayaw nang magbitiw -- ang mga lider na authoritarian.

Ibinilang dito ng Freedom House ang mga bansang Turkey, Central African Republic, Mali, Burundi, Bahrain, Mauritania, Ethiopia, Venezuela, Yemen, Hungary, Nicaragua, Azerbaijan, Tajikistan, Honduras, Gabon, Dominican Republic, Nauru, at Russia.

Nu’ng 2015-2018 napasa-kamay ng authoritarians ang mga dating matatatag na demokrasya. Isa ru’n si Donald Trump ng United States. Anila Steven Lavitsky at Daniel Ziblatt sa librong “How Democracies Die,” malamya si Trump sa karapatang sibil at demokratikong gawi.

 Nagsuri rin ang Democracy Index ng Economist Intelligence Unit, Fraser Institute, Rule of Law Index ng World Justice Project, Transparency International, Journalists Without Borders, at Committee to Protect Journalists. Binanggit sina Rodrigo Duterte ng Pilipinas, ang militar na nagkudeta kay Yingluck Shinawatra sa Thailand, Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, Janos Ader ng Hungary, Nicolas Maduro ng Venezuela, at Jair Bolsonaro ng Brazil. Nanlumo umano ang demokrasya dahil sa pagkait ng karapatan sa mga oposisyon at kritiko, at pagturing sa kanila bilang banta sa kaayusan; paghabla, pagkulong, at pagtrato sa kalaban bilang kriminal; pagpayag sa o paggamit ng karahasan para manatili sa puwesto o igiit ang nais; pagbusal sa media, simbahan, mga mahistrado, abogado, at samahang sibiko; at pagmanipula ng social media para ipapel ang sarili at wasakin ang reputasyon ang kritiko.

GLOBAL FINANCIAL CRISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with