^

PSN Opinyon

Si ‘ET’ sa Pasay na!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BAGITO sa politika, pero mahabang panahon na  tapat na paglilingkod at serbisyo sa madlang public.

Ang kandidatong Mayor sa Lungsod ng Pasay na si Chief Prosecutor Edward Togonon, ay nangunguna sa survey matapos matabunan ng alikabok ang mga kalaban niya sa politika para sa midterm election this May. 

Sabi nga, angat na angat sa laban, dahil mahaba ang karanasan nito sa public service.

Si Togonon, bilang isang abogado ay naglingkod bilang ‘prosecutor’ sa Pasay City ng 14 long years, 13 years bilang ‘chief prosecutor’ sa Muntinlupa City at 6 years bilang ‘chief prosecutor’ sa City of Manila. 

Ika nga, sanay na sanay si Togonon sa pampublikong ser­bisyong bayan!

Ang mga karanasan na iyan bilang tunay na lingkod bayan ay naging pamantayan na ng madlang taga-Pasay City kung bakit sya ay kinagigiliwan at ginugusto nang madlang people dito.

Ngayon pa lang ay ipinaabot ng taga-Pasay ang pagbati sa kanilang bagong alkalde na tinaguriang si ‘ET’ at sa kanyang mga kasamahan sa maganda at abanteng laban ng Tropang Togonon sa Pasay City.

Sigaw ng taga Pasay, tama na, sobra na, sawa na at palitan na ang ‘dynasty’ sa Pasay City!

Abangan.

NAIA carousel baggage areas, tinadtad ng CCTV

POSIBLENG malutas na ang problema ng nakawan ng ilang bagahe ng mga pasahero na dinadala sa carousel sa customs arrival area matapos na maglagay dito ng Closed Circuit Television para mapanood mismo ng arriving passenger ang sistema kung paano lumalabas patungo sa conveyor at sinu-sinong baggage handlers ang humahawak nito bago at makuha ang kanilang bagahe at lumabas ng airport.

Ibinida ni MIAA General Manager Ed Monreal, nagkabit na sila ng mga CCTV sa apat na terminal ng NAIA at maging ang baggage loaders ay kinabitan ng body cameras upang maiwasan ang ‘nakawan’ dito.

May mga pasahero kasing nagrereklamo na sila ay nawalan ng mga kagamitan sa kanilang mga bagahe na imposibleng mangyari sa NAIA kaya para maiwasan ang mga haka-haka, naglagay ng monitoring system si Monreal para makita mismo ng mga pasahero ang mga bagahe nila habang ibinababa sa eroplano papunta sa baggage carousel area sa rampa ng paliparan.

Sabi nga, to see is to believe! 

Nanawagan si Ed sa lahat ng service providers nito sa NAIA na gawin ang nararapat at huwag pahiyain ang Philippines my Philippines para lamang sa masamang pamamaraan.

Ikinuento ni Monreal,  na lahat ng employees na nagtratrabaho sa ramp area o tarmac ay kailangang kapkapan papasok at palabas ng nasabing lugar partikular ang mga baggage loaders na mayroong nakakabit na mga body cameras na kailangang sumailalim muna sa pagsusuri bago sila lumabas ng pinag-uusapan natin.

Ang mga CCTV ay nakakabit sa lahat ng mga terminals sa NAIA kabilang ang domestic areas.

‘Maging epektibo kaya ito?’ 

Iyan ang abangan natin! 

EDWARD TOGONON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with