^

PSN Opinyon

Umiwas sa sakit na hindi nakahahawa

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY 10 payo para makaiwas sa sakit na hindi nakahahawa. Ito ‘yung tinatawag na lifestyle diseases o non-communicable diseases. Sakop nito ang sakit sa puso, high blood, diabetes, mataas ang cholesterol, sakit sa kidney at iba pa. Alamin natin ito.

Payo sa may high blood pressure o altapresyon:

1. Ang pinakamagandang blood pressure ay 120 over 80. Alamin ang BP mo!

2. Isa sa apat na Pilipino ay may high blood pressure. Kung kayo ay sobra sa timbang, magbawas ng 10 pounds para bumaba rin ang iyong blood pressure ng 5 hanggang 10 puntos.

3. Kapag kayo ay may high blood pressure, bawasan ang alat sa pagkain. Ito ay mabisang solusyon para bumaba ang presyon.

Payo sa mataas ang cholesterol:

4. Tinataya na 1 sa 10 Pilipino ay may mataas na cho­les­terol. Kapag mataas ang iyong cholesterol, kumain ng 1 tasang oatmeal bawat araw at bababa ang iyong cholesterol ng 20 hanggang 30 puntos.

Payo sa may diabetes:

5. Tandaan ang numerong ito: 126 mg/dl. Kapag mas mataas dito ang iyong fasting blood sugar, posibleng may diabetes ka na.

Payo sa ehersisyo at tamang pagkain:

6. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas bawat araw para makamtan ninyo ang sapat na bitamina bawat araw. Ayon sa survey, 3 sa bawat 5 Pilipino ay hindi kumakain ng sapat na gulay at prutas.

7. Mahilig ka ba sa taba? Umiwas sa taba ng baboy at baka. Piliin na lang ang taba ng isda na may masustansiyang sangkap na Omega-3 fatty acids.

8. Habang nakatayo ay igalaw-galaw ang iyong kamay at paa. Sa ganitong paraan, makababawas kayo ng 150 calories bawat araw.

9. Huwag sosobra sa pag-inom ng alak. Ang mga lalaki ay limitado lang sa pag-inom ng 2 bote ng beer, 2 kopita ng wine, o 2 shot ng hard drinks bawat araw. Sa babae naman ay 1 bote ng beer, 1 kopita ng wine, o 1 shot ng hard drink lang bawat araw.

10. Inumin ang inyong maintenance na gamot para humaba ang buhay. Tangkilikin ang generics na gamot para makamura at mainom ang inyong gamot araw-araw. Good luck po.

LIFESTYLE DISEASES

NON-COMMUNICABLE DISEASES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with