^

PSN Opinyon

Maganda ang umpisa ng taon

KUNSABAGAY - Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAITUTURING nating maganda ang pasok ng suwerte sa ating bansa. Una na riyan ay naibalik ang makasaysayang Balangiga Bells na ninakaw ng mga sundalong Amerikano. Nasungkit natin ang Miss Universe crown sa katauhan ni Catriona Gray at ang pinaka sa lahat, 68 percent ang nabawas sa mga nabiktima ng paputok. Marahil dahil sa pinagsama-samang babala at naranasan nating pag-ulan kaya kumonti ang mga gumamit ng paputok noong Bagong Taon.

Itinuring ni Health Sec. Francisco Doque na “historic” ang 68 percent na natapyas sa mga naging biktima ng paputok. Pero talagang likas sa ating mga Pinoy ang pagiging pasaway kaya mahirap abutin ang 0 percent. Maliban na lang kung makikipagtulungan sa gobyerno ang mga gumagawa ng paputok. Ang hindi ko maintindihan kahit anong higpit ang pagpapatrulya ng mga pulis ay meron pa ring nakalusot na ilegal na paputok.

Saka mahirap din talagang maialis sa atin ang magpaputok tuwing maghihiwalay ang taon dahil ito’y naka­gisnan na natin. Parami nga lang nang parami ang na­iimbentong malalakas na paputok ngayon tulad na lang ng Goodbye Philippines. Di ba pangalan pa lamang naka­katakot na? Meron ding itinuturing ang paputok na pantanggal ng malas sa buhay. Maraming dahilan ang mga kababayan natin kaya mahirap abutin ang 0 per­cent casualty. Maraming biktima ay mga bata. Kung may matanda siguro, ‘yun ay dala pa lang ng kalasingan kaya nagawang magpaputok.

Iwanan na natin ang bad habits nung nakaraang taon. Matuto tayong mag-move on para tuluy-tuloy ang pasok ng suwerte sa ating buhay. Sana sa susunod na Bagong Taon muling mabawasan ang mga biktima ng paputok dahil para sa mga nabiktima ang pagsisisi ay laging nasa huli. Halimbawa riyan ay ‘yung mga kabataang naputulan ng daliri.

BALANGIGA BELLS

CATRIONA GRAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with