^

PSN Opinyon

Share sa ‘tipping’ mas pakikinabangan ng mga employees sa mga resto at hotels

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ang mga empleado ng hotel, restaurant at mga katulad na establishments ay makatatanggap sa lalong madaling panahon ng isang mas malaking share sa service charge collection, na nagbibigay ng mas maraming benepisyo sa mga manggagawa.

 

Dapat lang!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, approved sa 2nd reading ng mga kongresista ang House Bill 8784, na naglalayong itaas mula 85% hanggang 90% ang share ng rank-and-file at nangangasiwang manggagawa sa kabuuang singil sa serbisyo sa pagkolekta ng mga hotel, restaurant at mga katulad na establishments.

Sarap!

Ang natitirang 10% ay dapat manatili sa management para masakop nito ang mga pilferages at breakages at para sa distribution sa mga local managerial employees. 

Ang bill principally authored ni Ang Kabuhayan Partylist Rep. Dennis Laogan, ay karagdagan pagbibigay ng share sa mga regular at rank and file na mga manggagawa na ganap at pantay na ipamamahagi sa kanila.

Abangan.

Hindi ang empleado ng LTO ang korap

NAKAUSAP ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang bebot na bumili ng bagong kotse sa isang car dealer sa Metro-Manila last 2018.

Ayon sa sumbong, humingi sa kanya ng P4,000 ang ahente niya sa car company para ibigay ang napili niyang car plate ending number pero walang nangyari matapos ang dalawang buwan nang kahihintay.

Sa sumbong ng reklamador, napag-alaman niya sa LTO main office mismo na ang ending na gusto niya ay walang bayad dahil hindi naman ito ‘special car plate.’

Pero up to now ay pumapalag ang reklamador at hinihingi niya ang naibigay na salapi sa car dealer pero pinaghihintay pa rin ang una ng huli dahil ang may kasalanan daw ay ang LTO people na binigyan niya ng salapi?

Naku ha!

Nagturo pa ang gago. Hehehe!

Sabi ng reklamador, ang pangako ng kamoteng car dealer sa kanya ay bigyan pa siya ng ‘time’ para makuha niya ang gustong ending number para sa kotse nito.

Nakarating na umano sa kaalaman ni LTO Asec. Galvante, pero ayaw umanong maniwala nito at pilit daw na pinagbibintangan ay ang mga tauhan niya ang may pakana nito?

Abangan.

SERVICE CHARGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with