^

PSN Opinyon

Mister ko may kabit sa Taiwan, tulungan mo ako Sir Ben!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA lahat ng aking mga nakausap, ngayon lang ako naka­kita ng misis na malakas ang loob para iwan ang asawa. Mayroong delicadesa, hindi matiis ang kahihiyan na ginawa ng sariling mister.

Naghintay at emosyonal na lumapit sa aming tanggapan nitong nakaraan. Maluha-luhang ikinuwento ang garapalang pambababae ng kanyang mister na OFW.

Machine operator sa Taiwan ang mister habang nag-aalaga ng kanilang anim na taong gulang na anak si misis. Si mister, pagdating sa ibang bansa, feeling single na.

Ang anak na paslit pa mismo ang nakadiskubre ng kalokohang ginagawa ng kanyang tatay. Kaya pati ang walang muwang na bata, apektado.

Sinend ng kabit sa Facebook ang kanilang litrato na magkayakap at sweet na sweet. Binabandera pa ni kapalmuks na mister na ang kulasisi niya sa Taiwan ang bago niyang asawa.

Hindi na nga sapat ang binibigay na sustento ni mister­ sa kanyang pamilya, nagawa pang mangaliwa. Ang balita­, kukunin ng babae ang kanyang asawa papuntang Canada­. Wala nang balak umuwi sa kanila.

Kahit paliwanag man lang sa kanyang misis sa Pinas, walang binigay si Mister. Sarili niya ng magulang, wala ring magawa. 

Nakatira sa bahay ni mister si misis kasama ang kanyang biyenan. Plano niyang bumukod na lang at itaguyod ang buhay ng anak sa Bulacan. May halong pagkabuwisit kaya ayaw nang manatili sa tahanan ng kanyang kumag na mister.

Hahayaan niya na ang taksil niyang mister sa kabit nito. Magsama sila hanggang sa kamatayan.

Malungkot sabihin na karamihan sa mga pumupunta abroad, nagbabago ang buhay. Ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho ay para sa pamilya natin.

Ang pamilya ang pinakamahalaga kaya magsasakripisyo ang isang ama o isang ina magtrabaho abroad. Kaya lang, nagkakaroon ng problema tulad nito. Kumikita nga ng pera nasisira naman ang pamilya. 

Suportado at hanga ako sa balak ni misis. Gustong lumagay sa tahimik. Tama lang na umalis siya.

Payo ko sa kanya, siguraduhin lang niyang may pupuntahan siya at may mapapasukan. Magtrabaho at huwag umasa sa kanyang walang kuwentang asawa.

Kung may natitira pang kahihiyan si mister, ipagpatuloy niya ang suporta sa anak. Kung ako lang ang masusunod, sana magkaroon ng cancer sa prostate at sa ari ang mga babaerong tumatalikod sa responsibilidad. Para madala.

BAHALA SI BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with