^

PSN Opinyon

Takaw aksidente ang motorsiklo

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MASAKLAP para sa Angkas riders ang naging desis­yon ng Supreme Court (SC). Dapat daw itigil ang kani­lang operasyon dahil delikadong gawing pampasa­hero ang mga motorsiklo. Sa pagkakaalam ko matagal nang ginagawang pampasada ang mga motorsiklo sa mga probinsiya at tinatawag nila itong habal-habal. Kung delikado pala ito, bakit hindi maipatigil ang operas­yon ng habal-habal. Samantalang kung tutuusin ay mas delikadong sakyan ang mga habal-habal sa probinsiya dahil sanga-sanga ang mga pasahero, lubak-lubak at mabundok pa ang daanan.

Sa panahong ito, motorsiklo ang pinaka-in na sasak­yan. Makakatipid sa pamasahe makakaiwas pa sa trapik dahil maliit na daanan lang ang kayang okupahin. Maraming murang motor na mabibili ngayon at nakukuha pa nila itong hulugan. Dangan nga lamang at ang iba nating kababayan ay ginawa nila itong pam­pasada. Kinagat naman ito ng publiko dahil ito ang mabilis na sasakyan papunta sa kanilang trabaho. Yun lang takaw aksidente ang motorsiklo.

Kung mapapansin natin kahit saang lugar ay mara­ming motorsiklo. Nagagamit din ito sa illegal. Nandiyan ang riding-in-tandem, ang mga snatcher at holdaper. Mahirap nga lamang silang hilahin dahil bukod sa helmet ay may maskara pa na mata lang ang nakikita. Ngayon, laganap ‘yan dahil kapanahunan ng eleksiyon.

Para sa akin aksyunan ang lumulubong produktong motorsiklo, lagyan ng age limit ang mga rider. Nakikita ko kasi na pabata nang pabata ang mga nagmama­neho ng motorsiklo ngayon. Mukhang hindi na naglalayo ang dami ng mga motorsiklo at kotse sa lansa­ngan kasi ultimo simpleng tao ay may motorsiklo na.

Mahirap kung bigla na lang patigilin ang Angkas rider. Kahit mahuli at multahan ang mga yan at impound man ang mga mahuhuling motorsiklo meron pa ring bibiyahe.

ANGKAS RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with